A promise

5 0 0
                                    

Bumangon ako dahil ilang oras nalang ay may tutuparin na akong pangako. Ilang taon narin mula noon. Napangiti ako, malaki na ngayon siya.

Wala na sa tabi ko ang dalawang pasaway. Malamang nasa kanilang silid na sila. Naghanda nalang ako para pumunta kung saan ko sya kikitain.

Ilang minuto pa ay natanaw ko na siya, ngiting ngiti siya at halatang masaya siya.

"Ngayon na ba?" Maagap niyang tanong.

"Oo." Sagot ko.

Naglakad kami patungo sa aming destinasyon. Napatingin ako sa kanya, napapangiti na rin tuloy ako. Nakakahawa ang kanyang saya.

"Nandito na tayo." Anunsyo ko.

"Ospital? Ibig sabihin naghirap sya sa mahabang panahon" naiiyak nyang sabi. "Di ba sya gumaling?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Halika," aya ko sa kaniya. Iginiya ko siya patungo sa isang kwarto. Naroroon ang isang duktor na may inere-revive na isang batang babae. Puno siya ng pag-asang mabubuhay ang bata. Ngunit, sadyang hanggang doon nalang ang buhay nito. Kinawayan ko ang kaluluwa ng bata at inihatid saglit sa daanan.

Muli kong binalikan si lola. Hinawakan ko siya sa kamay at tinungo namin ang talagang aming pakay.

Nakita namin ang duktor na nag-iinom sa isang convient store, ang duktor na narerevive sa bata kanina. Parang lasing na ito agad. Baka hindi sya sanay uminom ng alak. Mayamaya ay tumayo na ito.
Naglakad na parang walang direksyon. Hanggang namali ang tapak niya, unti-unting bumagsak ang kaniyang katawan. At humampas ang ulo niya sa batong naroroon. Nawalan siya ng malay.

Inilapit ko na si lola sa kataan ng duktor.

"Crystal," tawag ko.

"S-siya?" Gulat na tanong ni lola.

Tumango ako sa kanya.

Ang kaluluwa ni Crystal ay lumabas sa kanyang katawan. At ng makita niya ang matanda sa likuran ko ay agad syang yumakap rito.

"Lola!" Umiiyak syang yumakap sa matanda.

"Crystal apo," bati ng matanda.

Parehas ko silang sinamahan patungo sa daan ng paghuhusga.

Matagal ng talaga, malayo na ang narating ni Crystal mula noon.
Inampon siya ng duktor na tumitingin sa kanya noon. Binigyan ng pag-asang mabuhay. Ngayon manggamot na siya ng mg bata. Mahirap nga lang talaga para sa kanyang mamatayan ng pasyente.

Bumalik na ulit ako sa aking silid upang magpahinga. Ngunit nakasandal si Greed sa pintuan ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Psh, tawag ka ng pinuno." Sabi niya at saka umalis.

"Bakit galit ka?" Inis kong tanong.

"Lagi nalang akong ginagawang mensahero." Sabay talikod sa akin.

Bahala na nga sya. Naglakad ako patungo sa trono ng pinuno. Bakit na naman kaya? Nadadalas na nya akong patawag, nakakairita.

"Tawag mo daw po ak-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin.

Ano?bakit niya ako niyakap?

Pasensya na bitin muna.
Hahaha next chapter kung bakit.
Wag galit ok.
Love you guys.

She Is DeathWhere stories live. Discover now