PRIDE

5 0 0
                                    

"Ako naman maglalaro ngayon." Sabi ni Klea.

Ngumisi siya at mayamaya pa ay nagtalo ang mga nasa paligid. Puro pagmamalaki at kayabangan ang usapan. Nakakaawa tingnan ang waiter na nabuhusan ng wine. Basang basa siya. Nagsosorry pa sya, ngunit dahil sa kapangyarihan ni klea, nagmamalaki pa ang nakabuhos. Halos isampal na nya ang kamay nya sa waiter.

"Ang kapal ng pagmumukha mong dumikitsa akin! Sino ka ba? Isa ka lang walang kwentang busabos kung di pa magtatrabaho ng puyatan di pa kakain!" Pang-uuyam niya sa waiter.

Ang isa naman doon ay magkumpare yata. Pinagtatalunan ay sino ang magbabayad. Syempre libre na usapan eh.

"Pare, ako na magbabayad! Mas mayaman ako sayo!" Sabi ng isa.

"Pare, mas may pera ako sayo!" Asik ng isa.

"Pare,pag binayaran mo to maghihirap ka."

"Barya lang to. Baka ikaw ang mabutas ang bulsa."

Tumingin ako kay Klea.

"What?" Tanong niya.

"Naiingayan na ko." Malamig kong sagot.

Natawa sya. Mayamaya ay tumahimik na ang paligid. "Non sense na nmga tao, konting kibot ipagmamalaki." Sabi ni Klea.

"Kayo ginagawa nyo silang laruan." Sabi ko.

"Masaya kaya." Sabat ni Natasha.
At napangiti siya, nakatingin siya sa gawi ng bartender.

"Ayoko ng ngiti mo Nat." Sabi ni Klea.

"Watch me, ang paring yun, tutuksuhin ko lang naman sya." Pagkasabi niyon ay tumayo na ito.

"Nang-iwan," kumento ko.

"Hahaha, hayaan mo lang sya."

Tiningnan ko lang si Nat na lumapit sa bar counter at umupo sa stool iiling-iling nalang ako. Tumingin ako kay Klea at nakita ko na may kumakausap sa kanyang lalaki. Napapasimangot ang lalaki sa sinasabi ni Klea. Halatang dismayado ito. Tiningnan ko lang ang ekspresyon niya, patawa blangko pa sya sa oras na ito. Parang robot. Sabagay si Lust lang naman ang kadalasang may ekspresyon sa aming tatlo. Umalis na ang lalaking bagsak ang balikat.Gusto kong matawa.

Tumingin na ulit ako kay Pride, at di ko na napigilang tumawa na ikinatingin nya. "Pfffftt,hahahaha" tawa ko.

"Bakit?" Taning nya na parang walang nangyare.

"Wala naman." Sagot ko. At nabaling ang tingin ko sa tatlong babaeng nakapamewang na nasa harapan namin.

Masama ang tingin nila kay Pride. I smell trouble, and I like it. Ngumisi ako.

"Huy! Babaeng feelingera!" Sita ng isa sa kanya.

Tumingin lang si Klea wala paring ekspresyon.

"Tinanggihan mo si Zeus love of our life" maarteng sabi ng kasama nito.

Tingin parin ang ganti ni Klea.

"Pipi ka ba?!" Inis na tanong nung masyadong malaman sa kanila.

"Do I need to explain?" Sagot niya at nakita kong nagkulay apoy ang mata nya.

Nakita rin yata ng tatlo kaya walang sabi sabing umalis. Paglingon ko kay Klea para sabihan siya ay wala na sya sa tabi ko. Edi wow! Nilayasan ako! Tsk! Tinawag ko ang waiter at nagbayad. Tumayo narin ako at naglakad palabas.

Nasa kalagitnaan na ko ng bar ng may biglang humablot sa kamay ko. Tinakpan nya ng kamay niya ang bibig ko at hinila palabas. Sino to? Pero bakit ganon di ako makagalaw at kahit kapangyarihan ko di ko magamit. Sino sya?

Hulaan nyo sino kaya yun?

She Is DeathWhere stories live. Discover now