Helios

0 0 0
                                    

Nagising ako dito sa silid na di pamilyar. Iginala ko ang mata ko at napansing may nakayukyok na pigura sa bandang paanan ko. Sinadya kong tabigin siya gamit ang aking paa. At unti-unti siyang nag-angat ng ulo. Natulala ako sa aking na kita.

"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko. Puta sinong di mapapasigaw ang nasa harapan ko ngayon ay isang demonyo. Nagbabagang mata at sungay na natulis. Ngayon sino ang di sisigaw.

"Patay na ba ko? Nasa impyerno na ba ko?"pagtatanong ko sa kanya.

" hahahahahahaha, hahahahahahaha," nakakainis nyang tawa.

Tinitigan ko nalang sya.

"Buhay ka pa, pasalamat ka at may pakialam sayo ang ang prinsesa ng impyerno kundi baka nga isa ka ng bangkay." Sabi niyang biglang sumeryoso.

Nanatili akong tahimik. May gusto sa akin ang isang demonyita? Ano! Hindi pwede yun! Dahil prinsesa sya baka mas malaki pa ang sungay nya sa kaharap ko. Baka may pangil na sya. Tapos kailangan nyang sipsipin ang dugo ko. Paano ba ko tatakas dito.
Nawala ako sa pagmumunimuni ng may pumasok sa pintuan. Nag angat ako tingin, nawala ang pag-aalala ko ng makita ko siya. Wala syang emosyong nakatingin sa akin. Tinitigan ko ang buo niyang pigura. Napakurap ako ng makita ko na may pakpak siya. Binalik ko ang tingin sa mata niya, nagtatanong ako ng katotohanan. Lumapit siya sa akin, hinawi ako papuntang kanan at hinaplos ang aking leeg.

"Mabuti naman at magaling ka na, maaari ka ng bumalik sa lupa, bago pa kita mapatay ng tuluyan." Wika niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Is DeathWhere stories live. Discover now