Place

6 0 0
                                    

Napagod ako sa mga kalokohang ginawa namin. Kaya ibinagsak ko nalang ang aking katawan sa kama. Aba kahit imortal ako ay napapagod din. Nakapikit ako ng maramdaman kong may tumabi sa akin sa kama. Alam ko namang si Lust kaya di na ko nag-abalang dumilat pa. Walang anu-ano ay may bumagsak sa katawan ko. Bigla ako bumalikwas ng bangon at tiningnan kun ano yun. Mali pala ako di ano yun, ang dapat tanong ay sino yun. Pagtingin ko ay si Klea pala. Namumula ang mata at may bakas ng luha. Aba umiyak? Di makapaniwala ang reaksyon ko sa kanya.

"Anyare sayo?" Tanong ko.

"Wala." Sagot nya.

"Para kang tanga halata naman na may nangyare ayaw mo pang ikwento." Sabi ko sa kanya.

"A-alam mong may nangyare sa amin?!" Gulat niyang tanong.

"Umiiyak ka eh. Di common sayo na umiiyak. Wag mong sabihin na narape ka-" di ko na naituloy ang sasabihin ko, bigla ko nalang naisip na baka nga. Tumingin ako sa kanya. Nagyuko sya ng  tingin.

"Sagutin mo ko Klea, sinong maswerteng demonyo yan?" Pabiro kong sabi.

Umiwas sya ng tingin. "Di demonyo, tao sya." Mahina niyang sagot.

Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. Tama ba? Baka imagination ko lang.

Ngunit mukha ngang totoo dahil di sya mapakali. "Ano naman problema dun?" Tanong ko.

"Wala, ngunit parang ang baba ko bigla. Pumatol sa tao. Pero di ko mapigilan, parang ang mata nya kagabi ay nagmamakaawa sa akin. Alam mo naman ako basta mga ganong datingan nakakaangat ng kalooban ko." Eksplinasyon niya.

"Enjoy mo lang Pride. Masaya palang maging pasaway minsan. At nasa impyerno tayo, obeying rules are not observe." Napapangiti kong sabi.

Saan galing ang pinagsasabi ko sa kanya. Isang malakas na katok ang bumasag sa pag-uusap  namin ni Klea. At ilang saglit pa ay iniluwa ng pinto si Baal. At galit ang mukha.

"Saan ka galing Yvri!" Sigaw niya.

"Di ko alam na dapat kong ipaalam ang pag-alis ko?" Sarkasmo kong tanong.

Napatingin siya sa akin at lumipat ito ng tingin kay klea.

"Sige matulog ka na." Sabi niya sabay talikod upang lumabas.

Nababaliw na ba ang pinuno ng impyerno? Bahala sya matutulog na nga ako. At may importante pa akong gagawin mamaya. Ang pagtupad sa pangako. Napangiti ako sa aking naisip.

Death saan ka na naman pupunta? Ang gala mo.

Ako naman ay

She Is DeathWhere stories live. Discover now