031

2.4K 138 51
                                    

FLOUR's

"Ano wala na bang mga babae d'yan?" tanong ko kila Momo at Ren na naghihintay sa labas ng comfort room.

"Wala na. Malamang nasa cafeteria na 'yon lahat" rinig kong sagot ni Ren. Halatang naiirita na siya.

"Panigurado ang haba na naman ng pila doon" sabi naman ni Momo.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Tinaasan ako ng kilay ni Momo samantalang nakapamewang naman si Ren.

"Bakit kasi kailangan mo pang magtago?" tanong sa akin ni Ren kaya napakamot ako ng ulo.

"Nakakairita ang mga babae ni Jeonghan na kung ano-anong sinasabi sa akin. Kung pwede nga lang na lumipat ng school ginawa ko na" sagot ko tapos nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.

"Ang swerte mo kaya! 'Yung iba nga halos magpakamatay na para lang kay Jeonghan tapos binigay lang sa'yo nang walang kahirap-hirap" sabi ni Momo.

Napangiti ako nang pilit dahil sa sinabi ni Momo. Naipaliwanag na din pala namin sa kaniya ni Ren nang maayos ang mga ganap samin ni Jeonghan. Inggit nga daw siya e. Huwag ko na daw pakawalan.

Inggit? Trust me, kahit ano ibibigay ko magkapalit lang kami ni Momo ng pwesto ngayon.

Kaso hindi pwede. Tsaka para kay Ren lang si Momo 'no. Ship ko kaya silang dalawa.

"As expected . . ." sabi ni Ren nang makarating na kami sa cafeteria.

Kumpol-kumpol ang mga babae doon. At talagang nasa gitna pa sila ha? Ano bang meron doon?

"Huwag mo sabihing hindi na naman tayo kakain dahil mahaba ang pila? Hindi pwede, gutom na gutom na ako!" reklamo ni Momo kay Ren.

"Taba mo na nga e" sabi ni Ren kay Momo tapos hinila niya kaming dalawa para makisingit sa mga tao doon.

Sasagot na sana si Momo kaso natigilan kami nang mahawi lahat ng babae sa daan namin. Ngayon ko lang napansin na nasa pinakagitna na pala kami ng cafeteria.

"Anong nangyayari?" takang tanong ko doon sa dalawa.

"Bes? Uso tumingin sa harap?" sarcastic na sabi sa akin ni Momo kaya ginawa ko naman.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Jeonghan na nakatayo doon habang may hawak na malaking cartolina.

Unblock me please?

Hindi ako nakagalaw. Masyado akong gulat. Naririnig ko pa ang mga fangirls niya na sumisigaw sa gilid namin.

"Unblock na kase!"

"Aarte ka pa ba ate girl?"

"Unblock na 'yan!"

"Kiss!"

Nabalik lang ako sa katinuan nang sikuhin ako ni Ren.

"Unblock mo na dali!" kinikilig na sabi sa akin ni Momo with matching hampas pa. Natawa nang mahina si Jeonghan dahil sa reaksyon ng mga tao dito.

"Unblock mo na ako babe. Please?" nakangiting sabi niya.

Muli, napuno ng malalanding tili ang cafeteria dahil sa biglaan niyang pagngiti. Naramdaman ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bwisit ka Yoon Jeonghan. Bakit kailangan mong ngumiti nang ganiyan?

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon