092

1.4K 76 7
                                    

5:15PM

FLOUR:
Sorry Ren

FLOUR:
Sorry talaga

FLOUR:
Nag-away ba kayo?

REN:
Ayos lang ako pero oo, nag-away kami

REN:
I mean ako pala ang inaway niya pero
naiintindihan ko naman siya

REN
Sinabi niyang itigil muna namin ang
kung ano mang meron sa amin

REN:
Nakakatawa. Ayon din ang eksaktong
sinabi sa'yo ni Jeonghan tama? Haha

FLOUR:
Sorry talaga Ren. Kasalanan ko 'to

FLOUR:
Kung alam ko lang na mangyayari 'to
edi sana 'di ako nagpa-comfort sa'yo

FLOUR:
Naiinis ako sa sarili ko

REN:
Wala ka namang kasalanan

FLOUR:
Maayos na kayo ni Momo pero bakit pa kasi ako nagpabida

FLOUR:
Galit ka ba sa akin Ren?

REN:
Flo ano bang pinagsasabi mo? Hindi
ako galit

REN:
Normal lang na malungkot at umiyak
dahil sa isang taong sinaktan ka lang
nang sobra

REN:
'Di mo kasalanan ang lahat at 'di rin
kasalanan ni Momo

FLOUR:
Hindi kita maintindihan

REN:
Nakita ko si Momo at Frim kanina na
magkasamang kumakain sa cafeteria
na parang magkaibigan

REN:
Noong isang araw lang inis na inis sa
kaniya si Momo tapos ngayon ganito?
Hindi ba nakakapagtaka?

FLOUR:
Oo nga

REN:
Si Frim ang nasa likod ng lahat ng 'to.
Suspetsa ko ay nibrainwash niya lang
si Momo

FLOUR:
Sigurado ka ba?

FLOUR:
So ibig sabihin hindi seryoso si Momo
sa mga nasabi niya? Nasabi niya lang
'yon dahil kay Frim?

REN:
Flo matagal na tayong magkakaibigan

REN:
Simula elementary kilala na natin ang
isa't-isa

REN:
Alam kong 'di magagawang magsalita
ni Momo ng ganoon kundi lang dahil
may nag-udyok sa kanya

FLOUR:
Pero ano nang gagawin natin? Pagod
na akong umiyak Ren

FLOUR:
Kinuha na niya si Jeonghan tapos pati
ba naman si Momo?

FLOUR:
Baka pati ikaw isunod niya

REN:
Mukha bang papayag ako?

FLOUR:
Paano na si Momo?

REN:
Bigyan natin siya ng space at hayaan
munang makapag-isip

REN:
Sa ngayon magpahinga ka muna

FLOUR:
Anong gagawin mo?

REN:
Kakausapin ko si Jeonghan

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon