088

1.4K 76 2
                                    

HAPPY BIRTHDAY YOLANDA
3 people

11:14PM

MOMO:
Harina pansinin mo naman ang mga
birthday greetings namin sa'yo :(

REN:
Binati ka din ni Joshua oh

FLOUR:
Sorry, wala ako sa mood ngayon

FLOUR:
Pero salamat pa rin sa inyo

MOMO:
May nangyari ba?

REN:
Makikinig kami

FLOUR:
Pinutol na ni Jeonghan ang kung ano
mang namamagitan sa amin

MOMO:
Ha?!

MOMO:
Teka bakit parang biglaan naman?

REN:
Anong nangyari?

REN:
May kinalaman ba 'to kay Frim?

FLOUR:
Ano pa nga ba?

FLOUR:
Pinalabas ng Frim na 'yon na ako ang
may gawa sa kaniya ng lahat ng sugat
niya

FLOUR:
Pinagmukha nya akong masama kay
Jeonghan

MOMO:
Sinasabi ko na nga ba may pina-plano
ang babaeng 'yon e!

REN:
Naniwala naman si Jeonghan na ikaw
nga ang may gawa n'on?!

FLOUR:
Oo

FLOUR:
Ang sakit isipin na wala siyang kahit
kaunting tiwala sa akin

REN:
Tangina baka masusuntok ko siya

MOMO:
Ren kumalma ka, makinig muna tayo
kay Harina

FLOUR:
Sinubukan kong magpaliwanag pero
wala rin palang saysay at nagmukha
lang akong tanga

FLOUR:
Sinend ko rin ang screenshot ng chat
namin ni Frim, pero sabi niya edited
lang daw 'yon

REN:
Puta?

MOMO:
Nanggigigil ako, ang sarap manakit

FLOUR:
Kung mababasa niyo ang chat namin,
isipin niyong ang desperada ko

FLOUR:
Ang desperada kong bawiin siya mula
kay Frim at kunin ang tiwala niya

FLOUR:
Saka lang ako natauhan nang sabihin
niyang hindi naman ako sa kaniya

MOMO:
Ang gago

FLOUR:
Tama naman siya, hiindi siya sa akin.
Wala akong karapatang sabihan siya
kung anong dapat niyang gawin

FLOUR:
At mas lalong wala akong karapatan
sa kaniya

REN:
So naglolokohan lang kayo ganoon?

REN:
Anong tawag doon sa mga panahong
sobrang possessive niya sa'yo? Doon
sa mga effort niya sa'yo?

MOMO:
Laro lang lahat para sa kaniya? Wala
lang ba 'yon?

FLOUR:
Hindi ko alam

FLOUR:
Sobrang sakit

REN:
Hindi mo deserve 'to Flour

MOMO:
Hindi mo siya deserve

FLOUR:
Ren at Momo, sa ngayon kayo na lang
ang meron ako kaya sana huwag niyo
akong iiwan

FLOUR:
Kahit sa sitwasyon na 'to, masaya ako
kasi nandito kayo para sa akin

MOMO:
Bakit ka naman namin iiwan? Hindi
mangyayari 'yon

REN:
Basta kapag kailangan mo ng kausap
nandito lang kami

REN:
Nandito lang kami lagi para makinig
sa'yo

FLOUR:
Salamat

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon