FLOUR's
Mabagal akong naglalakad sa corridor ng building namin. Late na ako kaya wala nang tao sa paligid. At oo, hindi ako nagmamadali. Ano pang use? Late na rin naman ako kahit tumakbo pa ako.
Sa sobrang pagod ko kagabi, hindi ko na-set ang alarm ko bago matulog. Ang sakit pa nga din ng katawan ko ngayon.
Paakyat na ako ng hagdan nang may makita akong babaeng patingin-tingin sa paligid. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.
"Miss, saan dito 'yung bagong principal's office?" tanong niya.
New student kaya 'to?
Maganda siya tsaka maputi. Mas matangkad nga lang ako. Height ko lang ang maipagmamalaki ko kaya huwag kayong ano d'yan.
"Ah, punta ka lang sa kabilang building tapos 'yung unang kwarto sa kaliwa ang office" sagot ko at ngumiti naman siya.
"Ang dami na palang pinagbago ng school na 'to simula noong umalis ako. I'm Myoui Mina by the way. Salamat!" sabi niya bago siya nagtungo doon sa direksyon na tinuro ko.
Myoui Mina? Aba ayos kapangalan niya pa 'yung nililigawan ni Joshua.
Nagsimula na akong umakyat sa hagdan pero muntik na akong masubsob nang may ma-realize ako.
Teka?
Myoui Mina?!
BINABASA MO ANG
FLOUR / jeonghan
HumorIn which Flour Garcia messaged Yoon Jeonghan, whom she thought was a girl, to stay away from her longtime crush because she's getting jealous F L O U R ㅡ2Jeong Epistolary © 2016 SALTYPASTRY