FLOUR's
Bakit umiiyak si Momo?
"Momo anong problema?" tanong ko sa habang nakahawak sa balikat niya. Humarap siya sa akin at nagulat na lang ako nang itulak niya ako palayo.
Anong meron? Bakit niya ako tinulak?
"Harina naman! M-Mas pinili mo si Jeonghan kesa kay Ren tapos ngayong iniwan ka ni Jeonghan, aagawin mo naman si Ren sa akin?!" umiiyak pero galit na sabi niya.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Momo ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko sa'yo inaagaw si Reㅡ"
"M-Mas pinili mong saktan si Ren dahil si Jeonghan ang gusto mo. Tapos ngayon babalik ka kay Ren dahil na-realize mong mali ka ng desisyon? P-Paano naman ako Flour? Kinuha mo na lahat, pano naman ako?"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Basta naramdaman ko na lang na may tumulong luha na din sa mga mata ko.
"Momo . . ." sinubukan kong kausapin siya pero tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad palayo.
Tuluyan na akong naiyak habang tinitignan si Momo na palayo nang palayo sa akin. Makakaya ko pa ang mga masasakit na salita na sinasabi sa akin ni Jeonghan e. Pero itong talikuran ako ng kaibigan ko? Hindi ko ata kakayanin.
Bakit hindi niya muna ako hinayaang mag-explain? Bakit nagalit siya agad? Pinagtaasan niya ako ng boses dahil lang sa maling akala.
Ito na ba yung sinasabi ni Frim na pati kaibigan ko ay kukuhanin niya? Kung ito man 'yon, nagtagumpay siya. Wala nang natira sa akin ngayon.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate 'yon habang patuloy pa rin akong umiiyak.
ㅡ
12:15PM
REN:
Nasaan kayo ni Momo ? Sabay-sabay
na tayong mag-lunchㅡ
Nagpunas ako ng luha bago napayuko. Nahihirapan na ako.
"Sorry Ren"
BINABASA MO ANG
FLOUR / jeonghan
HumorIn which Flour Garcia messaged Yoon Jeonghan, whom she thought was a girl, to stay away from her longtime crush because she's getting jealous F L O U R ㅡ2Jeong Epistolary © 2016 SALTYPASTRY