089

1.5K 76 9
                                    

FLOUR's

Nandito ang 3-C sa grounds kasi PE ang klase namin ngayon. Ang 3-B naman ay wala sigurong teacher kaya may mga nakikita akong gumagala sa paligid.

University rule kasi. Kapag within 15 minutes ay walang dumating na teacher, free time na 'yon.

Habang tuwang-tuwa ang mga kaklase kong maglaro ng volleyball, ako naman ay nakaupo lang sa bleachers at tumitingin-tingin sa paligid.

Bakit ko ba siya hinahanap? Sinaktan niya ako pero bakit hindi ko pa rin maiwasan na isipin siya?

Agad ko namang nakita si Jeonghan sa may fountain habang kasama si Frim. Masayang-masaya silang nagtatawanan habang magkahawak pa ng kamay.

Naalala ko tuloy ang mga panahong hindi siya tumitigil na kulitin ako kahit na sobrang sungit ko sa kaniya. Miss ko na siya agad.

Nagulat na lang ako nang may nagtakip sa mga mata ko.

"Huwag mo nang tignan kung masasaktan ka lang"

Agad din naman niyang tinanggal ang kamay sa mga mata ko. Si Ren pala 'to.

Ewan ko ba, bigla na lang nag-unahan palabas lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit. Sobrang sakit.

Eto na nga ba ang kinakatakot ko. Iiyakan ko din pala si Jeonghan. Hinawakan ni Ren ang magkabilang balikat ko at tumingin sa mga mata ko.

"Flo makinig ka sa akin. Hindi siya worth it ng luha mo. Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na hindi lahat ng gusto ay nakukuha dahil mas higit pa doon ang ibibigay sa atin" sabi nya.

Marahan akong tumango. Masakit pala talaga 'to. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang ma-reject edi sana kahit papaano, sinubukan kong pilitin ang sarili ko na magustuhan si Ren.

Ayokong nakakasakit ng tao kahit na ako ang madalas na nasasaktan.

"Sabi mo 'di ba hindi tayo dapat mag-settle for less? Dahil magkakaroon ng time na may isang taong darating sa buhay natin at ibibigay sa 4tin ang sapat. Dapat lang tayong maghintay" sabi pa ni Ren.

Nagpunas ako ng luha at niyakap ulit siya. Sobrang swerte ko pa rin pala. Kasi nandyan pa si Ren at Momo para sa akin. Hinding-hindi ako papayag na kuhanin din sila ni Frim.

Habang yakap ko si Ren, may napansin akong babaeng tumatakbo papunta sa likod ng building. Alam kong si Momo 'yon kasi siya lang naman ang bukod tanging naka-pigtails ngayon sa 3-C.

"S-Salamat talaga Ren. May pupuntahan lang ako sandali" sabi ko bago humiwalay sa yakap ni Ren. Agad akong bumaba sa bleachers at tumakbo na din papunta sa likod ng school building.

Naabutan ko si Momo na nakasandal sa pader habang umiiyak.

THIRD PERSON's

Napangiti si Frim nang makitang paiyak na si Flour habang nakaupo sa bleachers. Nakita naman niya si Ren na palapit dito. Umpisa palang 'to ng plano niya, ang ipamukha kay Flour kung gaano sila kasaya ni Jeonghan.

Buti na lang at si Ren ang lumapit kay Flour at hindi si Momo o kung sino mang kaibigan niya. Mukhang umaayon lahat sa plano niya.

"Comfort room lang ako sandali Jeonghan" sabi ni Frim kaya ngumiti naman sa kaniya si Jeonghan at tumango.

Nagpunta siya sa CR ng girls dahil nakita niyang pumasok doon si Momo. Naabutan niya itong nag-aayos sa harap ng salamin at sinamaan siya ng tingin nito.

"Myghad delikado na pala talaga sa school na 'to. May gumagala kasing ahas e" sabi ni Momo habang nililigpit ang mga gamit niya kaya napangisi si Frim.

"You can mock me all you want Momo pero bakit hindi mo subukang lumabas para makita mo kung sino ang tunay na ahas?" sabi niya at tinaasan naman ni Momo ng kilay si Frim.

"Mas ahas pa kesa sa'yo? May nag-eexist palang ganoon. Isa 'tong alamat!" sarcastic na sabi ni Momo habang pumapalakpak. Napailing lang si Frim habang pinipigilan ang inis.

"Tignan ko lang kung makapang-asar ka pa sa akin once na makita mo kung anong sinasabi ko" sabi niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Momo pero lumabas din naman agad 'to para tignan ang sinasabi ni Frim nang matapos na ang kahibangan ng babaeng 'yon.

Napatigil siya ng makita niya si Ren at Flour sa may bleachers. Magkayakap silang dalawa.

Bakit sila magkayakap?

"See? Sino ba ang mas ahas sa aming dalawa? Ako na binawi lang kung ano ang sa akin o siya na inaagaw ang lalaking mahal ng best friend niya?" tanong ni Frim.

Hindi nakasagot si Momo. Alam niyang baka mali lang ang hinala niya pero sobrang lakas ng epekto ng mga sinasabi ni Frim.

"Balita ko ni-reject niya si Ren para kay Jeonghan? Ngayong iniwan na siya, I bet babalik 'yan kay Ren dahil kailangan nya ng emotional support. Poor her, hindi ata kaya na siya lang mag-isa kaya handang patusin kahit ang lalaking gusto ng best friend niya" naiiling na sabi ni Frim.

Napakuyom ang palad ni Momo at naramdaman na lang niyang may tumulong luha sa mata niya.

"Papayag ka bang agawin nya lang ng ganoon si Ren sa'yo? If I were you, lalaban ako at hindi papayag. What a shame, full package pa naman si Ren tapos gagawin niya lang na second option? Tsk tsk '- sabi ni Frim at kunwari pang hinahagod ang likod ni Momo.

Napayuko si Momo at mistulang naubusan ng sasabihin. Ang kaninang babaeng sinasagot-sagot pa si Frim ay napalitan ng isang babaeng mistulang napagkaisahan at walang kalaban-laban.

"So paano? Maiwan na muna kita ha? Ciao!" maarteng sabi ni Frim at hinawi pa ang buhok bago umalis. Agad namang tumakbo si Momo papunta sa likod ng building at doon tuluyang umiyak.

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon