093

1.6K 93 36
                                    

Incoming call . . .
Ren hyung

Accept | Decline

". . ."

[Kamusta ka Jeonghan?]

"May pakialam pa pala sa akin ang hyung ko haha"

[Kahit kailan naman hindi nawala. Ikaw lang naman 'yung lumayo ang loob]

"Akala mo ba madali lang sa akin? 'Yung taong tinuring ko na kakampi ay hindi ko inakalang magiging kaagaw ko pala sa lahat"

[Sinabi ko naman sa'yo na hindi ko ginustong maging kahati ka 'di ba?]

"Hindi ba?"

[Akala mo ba ginusto kong iwan kayo
ni papa sa Korea? Mukha bang may choice ako? Si mama ang nagdesisyon na isama ako dito kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang]

". . ."

[At alam mo 'yung masakit? Kahit ako ang kasama ni mama dito sa Pilipinas simula noon, ikaw pa rin ang bukambibig niya. Lagi niyang iniisip kung ayos ka lang, kung kumakain ka ba sa tamang oras . . .]

"A-Ano?"

[Anong ginawa ko? Nag-aral ako nang mabuti para makuha ang atensyon niya. Binigay ko lahat ng best ko at naging mabuting anak ako. 'Yung karapatdapat ipagmalaki sa iba]

". . ."

[Kaso wala e. Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang paborito ni mama. Kakaiba ka talaga. Kahit wala ka namang ginagawa, ikaw pa rin ang gusto ng mga tao. Kaya sa totoo lang inggit na inggit ako sa'yo Jeonghan]

"H-Hyungㅡ"

[Dumako naman tayo kay Frim. Sobrang espesyal niya para sa akin. Ayaw kong makigulo kina Momo at Flour noon kaya tuwing may problema ako ay kay Frim ako lumalapit]

". . ."

[Kaya kahit mali, hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog sa kaniya. Siya ang unang taong nakakita ng mahinang side ko. Hanggang sa nabalitaan ko na lang isang araw na nakipaghiwalay na siya sa'yo]

"T-Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon"

[Kinausap niya ako noon. Sabi niya parang unti-unti nang lumalayo ang loob niyo sa isa't-isa. At dahil nga mas marami pa kaming panahon na magkasama kesa sa inyo dahil nasa Korea ka, hindi niya daw inaasahan na magugustuhan niya rin ako]

". . ."

[For once nakaramdam ako ng tuwa. Kasi sa wakas, ang pagmamahal na ibinibigay ko ay maibabalik na din sa akin. Kaso mas pinili ko parin na saktan siya at ang sarili ko]

". . ."

[Nagsinungaling ako. Sinabi kong wala akong kahit kaunting nararamdaman sa kaniya. Mahirap man para sa akin pero sa tingin ko 'yon ang tama]

"Bakit hindi ko 'to alam?"

[Mahal ko si Frim noong panahong 'yon pero bilang kapatid mo, mas mahal kita. Inisip ko ang mararamdaman mo kung sakaling maging kami. Ayokong mas lumayo ang loob mo sa akin kaya kahit masakit, pinalaya ko siya]

"H-Hyung . . . sorry. Hindi ko alam"

[. . .]

"All this time, ako ang inggit na inggit sa'yo. Kasi parehas mong nakuha si mama at Frim pero hindi ko alam na grabe pala ang pinagdaanan mo. Hindi ko man lang naisip na ikaw pala ang mas nasasaktan sa ating dalawa"

[Ayos lang Jeonghan, wala kang kasalanan. Pinili ko 'to]

". . ."

[Si Flour, siya ang sunod na babaeng minahal ko talaga. Pinalaya ko din siya dahil sabi niya, may dadating pa na mas deserving sa pagmamahal ko at ibabalik sa akin lahat sa tamang panahon]

". . ."

[Alam ko din na hindi ako deserving sa kaniya. Baka masaktan ko lang siya kapag napunta siya sa akin. Pero ikaw, alam kong mas maalagaan mo siya kaya pinaubaya ko siya sa'yo]

". . ."

[Pinagkatiwala ko sa'yo ang best friend ko pero bakit mas pinili mo siyang saktan Jeonghan? Mahal mo ba si Flour?]

"Mahal ko siya. Sobra"

[Pero bakit numalik lang si Frim nagulo na ulit ang lahat? Mahal mo din ba siya? Ah, let me rephrase that. Mahal mo pa ba siya?]

"Hindi ko alam. Masaya ako kasi bumalik siya kaya I assumed may nararamdaman pa rin ako sa kaniya base sa reaction ko"

[. . .]

"Pero bakit parang hindi na siya kagaya ng dati? Parang marami nang nagbago"

[See? Baka nabubulag ka lang sa idea na gusto mo siya kasi nakasanayan mo na pero in reality, hindi na pala talaga]

"Hindi ko talaga alam hyung. Sobrang gulo"

[Hindi ba sabi mo sobra mong mahal si Flour? Pero bakit hindi ka naniwala sa mga sinasabi niya about kay Frim? At worse, sinabihan mo pa siya ng masasakit na salita]

"Believe me, wala ako sa katinuan noon. I was too overwhelmed. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala kasi knowing Frim, alam kong hindi niya magagawa 'yon"

[Jeonghan, kailan ba nagsinungaling si Flour sa'yo?]

". . ."

[See?]

"Tangina. Sobrang naguguluhan na talaga ako"

[Pwede ka namang magisip-isip muna bago gumawa ng next move. Pero alam mo ba? Nag-away kami ni Momo]

"Ha? Bakit?"

[Umiiyak kasi si Flour tapos ako ang nag-comfort sa kaniya. Niyakap ko siya, nakita kami ni Momo at namali ang akala niya. Ayon, nagselos siya tsaka nagalit]

". . ."

[May suspetsa kami na may kinalaman si Frim dito. Mukhang kung ano-ano ang sinabi ni Frim sa kay Momo. Nakakapagtaka rin kasi naging magkaibigan silang dalawa matapos ang nangyari]

"Kasalanan ko 'to lahat"

[. . .]

"Sorry hyung. Sorry talaga. Pero I appreciate you opening up to me tungkol dito para matauhan ako"

[Alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo]

"I'll try to fix this mess as soon as possible, pangako. Sorry sa lahat. Sorry kung nadamay pa kayo"

[Sa ngayon, masaya ako kasi nand'yan ka na ulit. Nakakamiss ka rin pala. Mukhang nagbalik na talaga ang kapatid ko]

"You know what, hyung? Hindi rin naman ako nawala"

Call ended
0:15:24

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon