034

2.2K 129 19
                                    

JEONGHAN MY SEXYLOVE -MOMO
3 people

7:15PM

MOMO:
Nasa Seoul na si Mina?!

REN:
Balita ko nga na dito ulit sa University
natin siya mag-eenroll

FLOUR:
Sino ba ang Mina na 'yon?

FLOUR:
Pati sa Twitter siya ang topic ng lahat

REN:
Seryoso ka ba

MOMO:
Taga-saang lupalop ka ba at hindi mo
kilala si Mina?

FLOUR:
Dapat ba siyang kilalanin?

MOMO:
Siya 'yung nililigawan ni Joshua! Dati
na siyang nag-aaral dito pero lumipat
siya ng London

REN:
Hindi ko lang alam kung ba't bumalik
siya ngayon

FLOUR:
Nililigawan?

REN:
Minsan napapaisip na lang talaga ako
kung paano kita naging tropa

REN:
Akala namin ni Momo alam mo

MOMO:
Halos ata lahat ng tao sa University ay
kilala si Mina

MOMO:
Bukod sa dati na siyang nag-aral dito,
sikat din siyang gymnast

FLOUR:
Bakit hindi ko siya kilala? Bakit hindi
niyo naman nababanggit sa akin?

FLOUR:
Bakit hindi ko 'to alam?

REN:
Sobrang insensitive naman kung pag-
uusapan namin si Mina sa harap mo
'di ba?

MOMO:
Tama si Ren, ayaw namin siyang pag-
usapan kasi baka masaktan ka lang

MOMO:
Kaso it turns out na 'di mo pala talaga
alam na may nililigawan na si Joshua

7:21PM

REN:
Ayos ka lang ba Flour?

FLOUR:
Wala naman akong magagawa e

MOMO:
Tutuloy ka pa rin ba?

FLOUR:
Sampung taon kong gusto si Joshua sa
tingin niyo ba madali lang itigil 'to?

REN:
Ibang usapan na ngayon. Malinaw na
sa'yong may iba siyang gusto

FLOUR:
Nililigawan pa lang naman 'di ba?

MOMO:
Huwag mong sabihing eeksena ka?

FLOUR:
Bakit hindi?

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon