FLOUR's
"Sa wakas, natapos din!" sabi ko habang nag-iinat.
6:30 pm na pero nandito pa rin ako sa library dahil tinapos ko ang part ko sa thesis namin. Gaganapin na kasi an school fair this week kaya ayokong may pino-problema pang school works.
Be like Flour mga bebe quoh.
Si Ren at Momo? Maagang umalis at may date daw. Hay nako inuuna lagi ang landi e. Bahala silang maghabol parehas.
Simula nang magkaayos silang dalawa, mas naging sweet sila sa isa't-isa. Hindi na mga mapaghiwalay, halos laging magkasama. Kapag naman magkakasama kaming tatlo lagi akong third wheel kasi para bang meron silang sariling mundo. Hindi pa sila sa lagay na 'yan ha.
Hindi pa naman 'di ba? Sa pagkakaalam ko hindi pa sinasagot ni Momo si Ren.
Konti na lang ang mga estudyante dito. Talagang mga grade conscious at mga masisipag na lang ang natira. /ehem/
Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng school. Grabe nakakagutom pala 'to. Buti na lang at hindi pa umuuwi si kuyang kwekwek at kuyang calamares na laging nasa tapat ng school namin.
Kain lang ako nang kain at patusok-tusok every once in a while. Sanay kami nila Momo sa ganitong paraan. Hindi na kailangan ng cup. Kakain ka lang nang kakain tapos tsaka ka lang magbabayad kapag tapos ka na. Honest kami syempre kaya binibilang namin nang tama kung ilan na ang nakakain namin.
Buti na lang talaga at nagka-ayos na kami ni Momo. Sa lahat ng tao sa buong mundo, siya ang inaakala ko na huli kong makakaaway. Si Frim? Absent ngayon. Mukhang seryoso nga siya na aalis na lang siya.
Somehow, nakaramdam ako ng lungkot. Kung hindi lang sana nangyari lahat 'to, malamang kaibigan ko siya ngayon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Tumingin ako sa gilid at hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon.
Si Jeonghan.
Nakatitig siya sa akin pero agad din naman akong umiwas nang magtama ang paningin namin.
Bakit ba siya nandito? Hindi ganito ang iniisip ko na muling pagkikita namin! Hindi ngayong puno ng calamares ang bibig ko!
Nakakahiya ka talaga kahit kailan Harina.
Hinugot ko ang wallet ko mula sa bulsa ko para sana magbayad na at umalis kaso pinigilan nuya ako.
"Huwag ka munang umalis. Alam kong ayaw mo akong makita pero mukhang gutom ka kaya kumain ka muna" sabi niya.
Hindi ako nakapagsalita. Pero sa huli, sinunod ko na lang siya at kumain pa ng ilang piraso. Nang matapos ako ay tumingin ako sa kaniya pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
"Bayad niya po. Keep the change" sabi niya tapos nag-abot siya ng isang daan kay kuyang calamares. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo.
Hindi ako nagpumiglas. Hinayaan ko na lang siya na dalhin ako kung saan man.
Tahimik lang kaming naglalakad habang magkahawak kamay pa rin. Walang kahit isa sa amin ang nagsasalita. Madilim sa kalyeng dinadaanan namin pero hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting takot kasi kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
FLOUR / jeonghan
HumorIn which Flour Garcia messaged Yoon Jeonghan, whom she thought was a girl, to stay away from her longtime crush because she's getting jealous F L O U R ㅡ2Jeong Epistolary © 2016 SALTYPASTRY