10:13PM
JEONGHAN:
Kailangan nating mag-usapFLOUR:
Tungkol saan?JEONGHAN:
Huwag kang magkunwaring hindi mo
alam kung anong ginawa moFLOUR:
Magtatanong ba ako kung alam ko?FLOUR:
Ano bang problema Jeonghan?JEONGHAN:
Bakit mo ginawa 'yon kay Frim?FLOUR:
Ano bang pinagsasabi mo?FLOUR:
Hindi kita maintindihanJEONGHAN:
Bakit mo siya sinaktan? Hindi ka man
lang ba naawa?JEONGHAN:
Puro sugat, sobrang pula ng pisngi at
punit-punit pa ang uniform?JEONGHAN:
Umpisa pa lang alam kong matapang
ka kumpara sa iba pero kahit minsan
'di ko naisip na kaya mong manakit10:19PM
FLOUR:
Tangina so sinabi niyang ako ang may
gawa sa kaniya n'on?FLOUR:
At naniwala ka naman?JEONGHAN:
Bakit naman ako hindi maniniwala?JEONGHAN:
Umiyak siya sa akin, sinabi niya kung
paano mo siya sinaktan at sinabihan
ng mga masasakit na salitaFLOUR:
Hindi nga sabi ako ang gumawa n'on!
Bakit hindi mo muna ako tinanong?FLOUR:
Wala ka bang tiwala sa akin?JEONGHAN:
Hindi ko alamJEONGHAN:
Kung hindi ikaw ang may gawa noon
sa kaniya, sino?FLOUR:
Nakita siya ni Momo sa comfort room
na sinasaktan ang sarili niya!JEONGHAN:
At bakit naman ako maniniwala?JEONGHAN:
Who knows, baka si Momo ay kagaya
mo lang din palaFLOUR:
Jeonghan sumusobra ka na. 'Wag mo
idamay ang kaibigan ko dito!FLOUR:
Bakit ba ayaw mo sa akin maniwala?
Masyado ka nang nabulag sa Frim na
'yan!JEONGHAN:
Bakit naman niya sasaktan ang sarili
niya? Bakit siya magsisinungaling?JEONGHAN:
Siguro kaya ka gigil na gigil sa kaniya
dahil sinabi sa'yo ni Ren lahat 'no?JEONGHAN:
Pero ang mga sinabi lang niya ay ang
mga pagkakamali ni Frim at mukha
siyang masamaFLOUR:
Huwag mo sabing idadamay sila Ren!
Bago pa dumating dito si Frim, alam
ko na, okay?FLOUR:
Si Joshua ang nagsabi sa akin pero 'di
ko lang sinasabing may alam ako kasi
gusto kong sa'yo mismo manggalingFLOUR:
Pero mukhang wala ka namang balak
magpaliwanag sa akin kasi bumabalik
na ang nararamdaman mo sa kaniyaJEONGHAN:
Pwede bang 'wag mong ibalik sa akin
ang topic? 'Yung pananakit kay Frim
ang pinaguusapan natin ditoJEONGHAN:
Nagkamali man siya sa aming dalawa
ni Ren ay hindi 'yon rason para saktan
mo siya nang ganitoFLOUR:
Putangina naman Jeonghan. Get back
to your senses!FLOUR:
Masyado kang nabulag sa pinapakita
sa'yong kabaitan ni Frim!JEONGHAN:
Huwag kang umastang kilalang-kilala
mo si FrimJEONGHAN:
Kung mas may nakakakilala sa kaniya
dito, ako 'yon at alam kong hindi niya
magagawa lahat ng sinasabi moFLOUR:
Nagbanta siyang may gagawin siyang masama kapag hindi kita nilayuan!FLOUR:
Hindi pa ba sapat na proof 'to?FLOUR:
JEONGHAN:
You can edit such thingFLOUR:
Edi sige na! Ako nang may kasalananFLOUR:
Ako ang nagsisinungaling at ako ang
gumagawa ng kwento!10:33PM
FLOUR:
'Di mo ba nakikita Jeonghan? Si Frim
ang may kasalanan nitoFLOUR:
Pinagaaway niya tayong lahat at gusto
ka niyang agawin sa akin!JEONGHAN:
Agawin?JEONGHAN:
Bakit, sa'yo ba ako?10:41PM
FLOUR:
Oo nga pala, hindi ka pala sa akinFLOUR:
Bakit ko pa pinagtutulakan ang sarili
ko? Nag-aaksaya lang ako ng orasFLOUR:
Pagod na ako Jeonghan, at kung mas
pinaniniwalaam mo si Frim ay wala
na akong magagawaJEONGHAN:
Tama na Harina. Siguro nga hindi pa
talaga kita lubusang kilalaJEONGHAN:
Itigil na natin kung ano mang meron
sa ating dalawaJEONGHAN:
Ayoko naFLOUR:
Ang gandang regaloFLOUR:
Happy birthday to me
BINABASA MO ANG
FLOUR / jeonghan
HumorIn which Flour Garcia messaged Yoon Jeonghan, whom she thought was a girl, to stay away from her longtime crush because she's getting jealous F L O U R ㅡ2Jeong Epistolary © 2016 SALTYPASTRY