052

1.9K 106 55
                                    

6:02PM

FLOUR:
HIRAI MOMO

MOMO:
Ano?

MOMO:
Masaya bang makipag-date sa dalawa
kong crush ha?

FLOUR:
Crush mo si Ren?!

MOMO:
Joke lang syempre

MOMO:
Loyal ako kay Jeonghan

FLOUR:
SINASABI KO NA NGA BA

FLOUR:
'Yung mga tingin mo kay Ren sobrang
kakaiba e!

MOMO:
Pauso ka na naman

MOMO:
Anong problema ng flat mong boobs
at bigla kang napa-chat?

FLOUR:
Hay

FLOUR:
Ewan ko kung bakit pero parang bigla
akong nawalan ng pakialam kay Mina
at Joshua

FLOUR:
Parang napapagod na ako sa lahat ng
mga kagagahan na ginagawa ko

MOMO:
Teka, anong pinakain ni Jeonghan at
Ren sa'yo? May sakit ka ba?

MOMO:
HINDI IKAW SI HARINA

FLOUR:
Gaga seryoso kasi ako!

FLOUR:
Mas mahalaga na para sa akin ngayon
ang malaman kung anong meron kay
Ren at Jeonghan

MOMO:
Anong ibig mong sabihin?

FLOUR:
Para kasing may alitan silang dalawa

FLOUR:
Parehas ko silang kaibigan kaya gusto
kong malaman kung anong problema
para mapag-ayos ko sila

MOMO:
Paanong alitan ba?

FLOUR:
Sabi kasi ni Jeonghan, hindi lang daw
sa gamit sila magkahati ni Ren

FLOUR:
Sinabi ni Ren na hindi niya ginustong
maging kahati si Jeonghan

FLOUR:
Hindi naman sa medyo chismosa ako
pero gusto ko lang silang tulungan

MOMO:
Pupusta ako ng bente ikaw ang pinag-
aawayan nila

FLOUR:
Gaga ka ba? Parang long-term na ang
away nila kaya malamang hindi ako

FLOUR:
Tatlo lang ang dahilan na naiisip ko

FLOUR:
Babae, atensyon o pagmamahal

MOMO:
Sabagay. Ang talino mo pala?

FLOUR:
Basic

MOMO:
Hays buti pa ako walang problema

MOMO:
Pagkain na lang kasi ang atupagin mo
like me

MOMO:
Food makes the world go round, sabi
nga nila

FLOUR:
Love kasi 'yon gaga

MOMO:
Food 'yon

FLOUR:
Love!

MOMO:
FOOD SABI E

FLOUR:
E LOVE NGA KASI 'YON

NAMJOON:
False. It's the conservation of angular momentum that makes the world go
round

NAMJOON:
Lahat ng orbital motion ng planets at
maging spin nito ay dahil sa original
angular momentum galing sa nebula
kung saan ito nabuo

FLOUR:
Sino naman 'to ha putangina

MOMO:
Jusq malamang hacker

MOMO:
Alis nga!

Hirai Momo removed
Kim Namjoon from the conversation

MOMO:
Pero anong nakain mo't bigla na lang
napunta doon sa kanila ang atensyon
mo?

MOMO:
Samantalang halos ibigay mo na lahat
kay Joshua

FLOUR:
Totoo 'yon!

FLOUR:
Kahit ano gagawin ko para kay Joshua
kahit pigilin pa ang ikot ng mundo!

NAMJOON:
Kapag tumigil ang ikot ng mundo ay
iitsa lahat ng bagay sa himpapawid
dahil sa inertia

NAMJOON:
Isipin mo naman ang kapakanan ng
lahat bago ka humarot!

FLOUR:
Paano ka nakabalik?!

Flour Garcia removed
Kim Namjoon from the conversation

MOMO:
Sure ka bang wala ka nang pakialam kay Joshua at Mina?

FLOUR:
Wala na nga!

MOMO:
Good

MOMO:
Nag-tweet kasi si Joshua na sinagot na
siya ni Mina

FLOUR:
'Yon lang pala e

6:13PM

FLOUR:
ANO?!

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon