043

2K 116 10
                                    

FLOUR's

Making my way downtown walking fastㅡ

"Laip qko!"

Walking faster pala gago.

Binilisan ko ang paglalakad ko nang marinig ang boses ng letseng lalaking 'yon. Putangina Harina huwag kang lilingon.

"Laip qko teka lang!"

Nagulat na lang ako nang bigla akong hinawakan ni Jeonghan sa braso at hinarap sa kaniya. Ano na naman bang problema nito?

"Hi laip qko" nakangiting sabi njya.

Napatingin sa aming dalawa ni Jeonghan ang lahat ng tao sa paligid dito sa corridor. Unti-unti akong namula nang nagsimula silang magbulungan.

"Laip qko ang tawagan nila?"

"Yuck ang jeje"

"For sure si ate girl ang nag-suggest n'on"

"Oo nga halatang jejemon e"

Gusto ko nang lamunin ng lupa as in now na. Lagi mo na lang akong pinapahiya dahil sa lalaking 'to!

"Ihahatid na kita sa club mo" sabi ni Jeonghan sabay akbay sa akin.

"Lubayan mo ako o susuntukin kita?" bulong ko habang nakangiti nang pilit. Oo bulong lang. Mahirap na baka marinig pa ng mga fangirls niya dito at kuyugin ako.

"Sige, hindi na kita ihahatid. Kain na lang tayo sa labas mamaya" sabi ni Jeonghan sabay ngiti.

Sinabi nang huwag kang ngingiti ng ganiyan e. Nagiging gwapo ka sa paningin ko.

"Oo na bye na!" sabi ko at tumakbo na ako palayo doon.

Mukha bang tutupad ako sa usapan? Sinabi ko lang 'yon para makaalis. Mahirap na at baka kung ano-ano pang kahihiyan ang gawin niya.

"Ingat laip qko!" rinig kong sigaw ni Jeonghan mula sa malayo.

Kingina lang talaga.

FLOUR / jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon