Chapter Three

349 14 0
                                        


Recess

Natapos ang tatlo naming subject nang puro activity lang ang ginagawa.di naman bago kase lagi naman ganto.boring nga eh.pero ang masaya ih RECESS TIME!.huwehehe.

"oyy marriel!recess na tayo tas daanan natin si karen."tumingin sya sakin ng medyo mataray.

"Nako!karen!karen ka na lang ng karen!dun ka na sa best friend mo wag mo na ko isama!"mataray nyang sabi.

Tignan mo nagselos nanaman ang leche.mahirap pa ata toh sa magjowa eh.

hirap magkaroon ng dalawang kaibigan na baliw.ang hirap I-handle.

"ano ka ba?!nababaliw ka nanaman halika na nga nagugutom na ko ay!"sigaw kong sabi pero nagpapaawa.

Tinignan nya lang ako at pinagpatuloy ang pagseselpon nya.

GAGA talaga.kakainis ihh.iiwan ko toh.

"Bahala ka nga dyan!..oyy naneng ano sasama ka ba?!sasama ka ba o sasama ka?!"irita kong sabi.

Bwiset eh!

hindi sya tumayo at pinagpatuloy nya lang talaga yung ginagawa nya.bala nga sya dyan.kulit ih.pumunta na ko sa harap ng room ng best friend kong si karen at tinawag sya.

"KAREN!"tawag ko para makita nya ko.lumingon naman sya at tinungo ako.

"tara break na tayo.nagugutom na ko eh."

"Okay po."cute nyang sabi.

..................

CANTEEN

Daming tao.i mean estudyante.

parang mga gutom na gutom eh di maka ugaga sa pagsasalita para pagbilan sila ng tindera.wala kasing pila pila dito basta diskarte mo na lang para makabili ka ng pagkain mo.public kase ih.

"Daming tao.di tayo makakasingit nyan."sabi ni karen na parang gutom na rin.

"Oo nga eh.dun na lang tayo sa H.E."pagsa-suggest ko.

"Ayy oo nga!dun na lang,masarapa pa pagkain."

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa H.E.madaming estudyanteng nakakalat malamang siguro kase recess.

Nakarating kami sa H.E marami ding tao pero di katulad sa canteen na di ka na makakasingit.napahinto si karen sa pagpasok sa H.E.tinignan ko naman sya.

"Bakit karen?"tanong ko kase parang may nakita sya na ayaw nyang makita.

"Wag na tayong bumuli,mamaya na lang."

"HA?bakit?"tinignan ko naman kung saan sya nakatingin.kaya pala.nakita nya yung asungot na nagkakagusto sa kanya na lagi syang chinachat.kadiri daw kase hahaha.ganda kase ng best friend kong toh.mana sakin.

"Sige."pagsang ayon ko sa kanya.

Huhuhu gutom na koww.

Umalis na kami sa H.E at bumalik na kami sa room.

"Hayst  !di ka pa din tinitigilan ng Brian na yon?"tanong ko kay karen na nakaupo sa may semento sa may hallway.

"nakakainis nga eh.feeling nya gusto ko sya.kapal ng face."sabi nya ng nakakunot ang noo.

"HAHAHA...ganda mo kase!"

"Luh!ganda daw."ngiti nyang sabi.maganda naman talaga sya ih di ko na nga mabilang yung lalaki na nagchachat sa kanya pag inoopen ko account nya.daing mangliligaw.pero study first sya bago lande.yun ang goal naming dalawa.

"uyy babye na karen nandyan na si ma'am."nagmamadali kong sabi.

"Ah okay.sige mamaya na lang."

Pumasok na ko sa loob ng room.ayun nakakonot pa rin yung noo.galit pa rin sakin.pero sanay na ko dyan konting lambing lang ih babalik na yan sa dati.

"Naneng..."tawag ko sa kanya ng mahinhin hihihi.

"OH!bat bumalik ka pa dito?dun ka na lang kay karen!"mataray pa rin na sabi nya.gaga lang ih.

"Naneng kase...toh kamo parang baliw ayy!"parang tanga kong pagmamakaawa sa kanya.tinignan nya lang ako at inirapan ng may ngiti sa labi nya.

BALIW!yan lang masasabi ko.
.
.
.
.
.

Uwian na!!!

"Bye nanaeng!ingat ka!wag kang magpapagutom ah?lagi kang kumain ng tatlong plato sa isang araw.HAHAHA!"yan lagi yung linyahan namin dalawa pag uwian na hahaha.

"Bye ikaw rin!wag ka papagutom at magpapauhaw...lagi kang uminom ng walong baso sa isang araw at lagi ka ring susulat!"

Haha kitams?BALIW!btw bati na kami.

Natapos ang araw ko ng masaya.salamat GOD.sana laging ganto.


A/N:Salamat sa lahat ng bumabasa.first time ko lang gumawa ng story sana magustuhan nyo toh.SALAMAT!😘😍

Love Me BackWhere stories live. Discover now