Four

537 23 1
                                    

Nadya's Point Of View

Nandito lang ako sa loob ng aking kwarto dahil gusto ko nalang magpahinga muna since wala pa naman call time namin for taping ng BSAP. For Nathan's father may scheduled surgery na din at last and he doesn't have to worry about the bills because I insisted to pay all of it.

Since I got bored naisipan kong mag roadtrip na muna with my friends Nika, Tala, at Malaya.

Doñas

3:00 pm

Nadya Durham:
Let's have a roadtrip don't
worry i'll be the one na mag -
drive.

Nika Sarmiento:
Game ako, kayo ba
Tala at Malaya keri?

Tala Robredo:
Keri din waley naman
akez ginagawa ngayorn.

Malaya Gomez:
Troot, bored din ako sa bahay
kaya sama na din ako.

Nadya Durham:
Sunduin ko nalang kayo diyan
sa mga balur niyo keri?

Nika Sarmiento:
Keri siszt.

seen by everyone

3:30pm

Agad akong nagpalit ng damit nagsuot lang ako ng white shirt na may flower patch sa pocket na nasa harapan nito at navy blue ripped jeans paired with white shoes. Nagpaalam na kaagad ako kay Nanay Cristy at Tatay Ronaldo wala dito si Nathan dahil nasa ospital siya upang matulungan ang kaniyang ina at kapatid sa pag-aalaga sa kaniyang tatay.

Pumunta na ako kung saan naka-park ang aking sasakyan at sumakay na dito para masundo ko na agad ang aking mga kaibigan. Unahin ko muna si Nika dahil siya ang may pinaka - malapit na pwede puntahan bago si Tala at Malaya.

Nadatnan ko na nasa labas si Nika and she's wearing an off shoulder dress paired with white shoes with a rose patch on the side.

"Siszt, dito ka sa front tabi tayo yung dalawa sa likod since special ka charot." I said.

"Charot charot ka din." she answered at nagtawanan kaming dalawa.

Sunod naman namin na sinundo si Malaya at Tala na magkasama na at kumakain ng ice cream sa may 7 Eleven. Binaba ko ang aking bintana para tawagin sila kasi mukhang masaya silang kumakain ng ice cream na hindi man kang napansin ang sasakyan na nasa harap nila.

"Siszt, ano? Magkainan nalang kayong dalawa ng ice cream diyan?" I asked and raised a brow at them.

"Maldita mo halika na nga Tala." sabi pa ni Malaya at agad na sumakay sa sasakyan.

...

Nathan's Point Of View

Kasalukuyan akong nasa ospital dahil tinutulungan ko si mama sa pagbabantay kay tatay para if anytime man na umatake ay agad na may magsasabi kaagad sa mga doctor.

"Ma, bibili lang po muna ako ng pagkain sa labas ha para po makakain na po kayo ng hapunan. Binigyan po kasi ako ng day off ni Ma'am Nadya ngayon kaya susulitin ko na po ang araw na kasama ko kayo ngayon dahil bukas babalik na naman po ako sa trabaho." I said.

"Sige anak." she answered.

Lumabas na kaagad na ako sa kwarto kung saan naka - confine si papa nasa labas lang naman ng ospital ang bilihan ng barbecue kaya minadali ko nalang ang bumili.

Pagbalik ko ng kwarto nadatnan kong natutulog si mama habang hawak hawak ang kamay ni papa. Naiyak ako dahil tila bang gusto ko ng isang babaeng katulad ni mama na kahit pagod na ay lumalaban pa din, na kahit masakit na tinitiis pa din para lang sa taong mahal mo.

"Huy, kuya." sabi ng aking kapatid na si Monique.

"Gagi naiyak ako dun akala mo naman talaga may jowa ako." sagot ko at natawa nalang sa aking ginawa. "Kain na tayo em-em magtira nalang tayo para kay mama at papa mamaya alam ko kasing gutom ka na." dagdag ko pa.

"Sige po, Kuya." sagot niya.

He Used To Be Mine (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon