Twenty - Four

323 22 2
                                    

Nadya's Point Of View

After our son's death ay ang sabay sabay na problema naming dalawa ni Nathan and I don't know why. We're so much happy back then nung nagsisimula pa ang relasyon namin pero sa tagal tagal ang daming malas na dumadating.

I've never been in so much pain until Elias died and our relationship is somehow falling apart but I still hold on because I know how much I love Nathan. He's my anchor, he's my love, he's my husband, he's my source of strength kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang itong relasyon namin.

Nandito lang ako sa may balcony sa tapat ng aming kwarto at nakaupo lang sa sofa doon. Tumitingin lang ako sa mga nagnining-ning na mga tala sa kalangitan at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

"Anak, sana nandito ka pa 'no kasi kung nandito ka pa okay pa sana tayo, okay pa sana ako." I said at unti unti ng tumutulo ang aking mga luha. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at doon ko ibinuhos ang lahat pilit kong huwag umiyak na may tunog dahil baka marinig ni Nathan at magsabi na naman siya ng kung anu-ano.

Pagkatapos kong ibuhos lahat ng sakit ay kumuha ako ng aking mga gamit sa kwarto magiimpake ako. Gusto ko sanang magpakalayo layo muna dito sa Pilipinas at hindi na muna babalik. Siguradong matutuwa sila mama dahil babalik na naman ako sa America at alam kong mas matutuwa sila dahil ipagpapatuloy ko ang pangarap ko bilang isang mang-aawit doon.

Nathan will be going to Taiwan tomorrow for a business trip with the CEO of the company he's working with. He stopped being a singer and worked as an executive officer of his friend's company. While me I choose to do what I really love which is singing and it will always be the passion I will always love.

Nang matapos ko na ang aking pag-iimpake
dali dali ko itong ipinasok sa aking walk-in closet para hindi makita ni Nathan na aalis din ako bukas kapag wala na siya. Hindi niya alam kung gaano na ako kapagod sa lahat ng bagay and mas inaatupag pa niya yung trabaho niya kaysa sa akin.

Nilalagnat ako ngayon and I have my period  sobrang sakit ng puson ko pero wala siyang pake minsan hindi ko na alam kung asawa pa ba niya ako o hindi basta ang alam ko lang minahal ko siya ng sapat at tapat.

Pumasok na siya sa aming kwarto at tumabi siya sa akin bigla niya akong niyakap pero kumawala ako dahil alam ko na kung ano ang gusto nito.

"Pagod ka na naman ba?" he asked pero hindi ko siya sinagot.

"NADYA ANO BANG PROBLEMA MO?" pasigaw na tanong niya.

Nanginginig na ako sa takot dito pero hindi ko pa rin siya sinasagot mas hinigpitan ko nalang ang paghawak ko sa kumot at binalewala yung mga pinagsasabi niya. I don't want to burst into anger dahil kung baka ano yung masabi ko sa kanya and it will become a reason na iiwan niya ako that's how much I love him kahit masakit na ipagpipilitan ko pa kahit nakakapagod na.

Lumabas siya ng kwarto at inilakas ang pagsara ng pinto na tipong masisira na ito.
Mas lalo kong hinigpit ang pagyakap ko sa unan na kunwari si Elias ito upang mailabas ko lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko.

Pagod na ako pero hindi lang ako basta pagod lang durog na durog na ang puso ko sa mga pinanggagawa niya pero nandito pa rin ako siya pa rin minamahal ko kahit ilang beses na niya akong niloko.

He Used To Be Mine (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon