Chapter 3

1.7K 36 0
                                    

(Jonas Povs)

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng mga toh. Andidito yung babaeng nakita ko kanina sa banyo na may ari ng cellphone.

"I am Jonas Louisse Ruyal"-me

Nag bulungan nanaman sila..tss. ang ingay parang mga bakla na nag chichismisan sa kalsada.

"Sige makakaupo kana"

Ani ng isang guro na kanina pa naka titig sa akin.

"Tsk"-me

Mahinang tugon ko. Tumingin ako sa paligid at nag hanap ng mauupuan. Tinignan ko muli yung babaeng nasa cr kanina na duwag at di man lang nag lakas loob tulungan yung binubully kanina. Kanina ay titig na titig siya sa akin pero ngayon ay napaiwas siya ng tingin ng mag tama ang mga mata namin.
Humakbang ako patungo sa pinaka likod na bakante. Dun ko nilapag ang gamit ko at umupo. Tinignan ko ng masama ang mga studyante na sinusundan ako ng tingin

Baka batukan ko kayo isa isa diyan

"O-o-ok. Wow thats... really.. quiet noh?"

Sabay tawa ng guro na iyon. Mukhang boring ang klaseng ito.

"Lets continue miss"

Sabay turo ng guro na yun sa babaeng duwag. Tumayo eto at tumungo sa harap. Dun ko siya tinignan mula ulo hanggang paa. Simple lang siya pumorma pero masyadong girlish. Feeling nasa korea naka palda pa.

"Hi I am Rose Marie Woller"

Napa tagilid naman ako ng ulo at tinitigan siya ng walang ekspresyon. Ano bang problema ng babaeng toh at tila iniiwasan ako ng tingin.

"Ok next"

Nakayuko siyang tumungo sa kinauupuan niya at tahimik na umupo. Tuloy tuloy lang ang pag papakilala. Parang mga elementary at highschool may pa ganito ganito pa ang corny.

"So we are done knowing each other. Para sa kakadating lang, again I am Mr.Sarmiento or you can call me Mr. Sam for short"

Sarmiento???

Isa pa tong iniiwasan ako ng tingin. Pamilyar ang apelyido at mukha neto parang nakita ko na dati. Di ko lang malala kung kailan. May iilang pamilyar na mukha sa loob ng silid na ito pero di ko masabi kung saan ko sila nakita pero wala na akong pake dun.

(Mikeys povs)
Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at nag aalmusal. Kakagising ko palang. Pasukan nanaman, panigurado pareparehong mukha lang ang makikita ko kaya sana may mga transfer para bagong kaibigan.

*kriing kriing*

Binuksan ko ang cellphone ko at sinagot ang isang tawag na galing sa isang unknown umber.

(On call)
"Hello?"-me

May narinig akong isang malalim na pag hinga mula sa telepono. Napaka lalim. Pero alam kong babae yun. Napaka pamilyar ng paghinga niya na tila ba kilala ko na siya pero di ko mawari.

(On call)
"Hello sino toh?"-me

Tila may inaasikaso ang babae na parang hingal na hingal siya. Teka baka mamaya nakikipag jugjugan toh ah.

(On call)
"HELLO?! ANO BA KUMAKAIN AKO!"-me

Napatingin naman sa akin si papa na nag bibilang ng pera sa sala. Bungad kasi yung kusina sa sala.

"Huy wag ka maingay. Sino ba yan? Kumakain ka tapos nakikipag usap ka sa telepono. Bitawan mo yan"-papa

Napayuko naman ako.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now