Nakadating ako sa tinutuluyan ni ate na mukhang hardware sa labas pero may mga kama at sofa naman sa loob. Nakita ko ang ibat ibang uri ng mga gadget at computer dun..
"Ate paano si papa? Baka inisip niya patay na ako"-me
"Ako na bahala dun"-ellaUmupo ako sa sofa at dun ko na napansin ang sugat ko.
"Kailangan natin mahanap ang larmiento at linawin ang lahat kina Jiyo"-ella
"Ate bakit ba pinag sisiksikan mo parin ang sarili mo sa kanila? Pinatay nila si mama"-me
"Manahimik ka mikey! Masyado kang nag papaniwala sa hansel na yan. Bakit nakita mo ba? Napanuod mo ba yung walamg hiyang video na yan na hanggang ngayon di naman lumalabas?"-ella
"Nakila Jiyo ang video"-me
"Walang video mikey"-ellaEto nanaman. Simula nung mamatay si mama na nanay ni ate ay lagi na lang kami nag babangayan. Sinabi sa akin ni hansel na nakita niya daw nuon na may pinapanuod si Jonas saka Jiyo na pag patay at pag rape sa isang babae. Rape at pag kamatay ang kinamatay ng step mom ko kaya agad ko inalam kung sino yung nasa video na yun. Sabi ni hansel ay matandang babae daw at nag tatawanan pa sina Jiyo habang pinapanuod. Nasa isang kahuyan daw yung nasa video kung saan nasa kahuyan din natagpuan ang bangkay ng step mom ko.
Kilala sila Jiyo nung mga panahon na yun na laging laman ng gulo at krimen sa school. Ilang beses sila na supend at nakulong pero nakakalaya din kasi mayayaman ang pamilya nila. Simula ng malaman ko ang tungkol sa video na nakita ni hansel ay sumama na ang loob ko sa kanila. Suportado ko lahat ng gusto pumatay sa kanila lalo na kay Jiyo saka Jonas na yun. Palibhasa ay kaibigan ni ate ang kambal ni Jonas na si Jason at gusto niya ito. Kung ako ay kay hansel nababaliw siya naman ay kay Jason pero mas matindi siya. Pinili niyang bali walain lahat ng pag patay nina Jiyo sa step mom ko na nanay niya makasama lang kay Jason. Sumasama si ate sa mga dragons at parang gusto pa neto sumali. Inis na inis ako kay ate sa mga panahon na yun dahilan ng malaman ko pang gusto siya ni Hansel kaya sinabayan ako ng selos.Kinabukasan ng magising ako ay nakita kong kinakausap ni ate si papa. Di na ako nag salita pa o gumawa ng kahit ano para matuon ang atensyon nila sa akin.
"Napasa ko na yung call record sa cellphone mo pa. Ikaw na ang mag dala dahil hindi puwedeng nasa amin yan at baka ma track pa kami ng mga nag hahanap kay Mikey"-ella
"Paano yung mga pulis?"-papa
"Palipasin mo muna at saka mo ipatigil ang pag hahanap"-ellaIlang araw rin akong hindi naka pasok nun. Hanggang sa napag desisyunan kong tumakas sa tuwing wala si ate dahil kailangan ko ipag patuloy ang pag aaral ko at kailangan ko makausap si Marie na baka nag aalala na sa akin. Alam kong delikado dahil kahit anong oras ay baka makasalubong ko si Jonas pero hindi ko hahayaang may gawin siyang masama sa kaibigan ko. Kailangan ko protektahan si Marie.
(End of flashback)
"Marie mag tiwala ka sa mga sinasabi ko. Masama silang tao hindi sila dapat pag katiwalaan"-me
"Hindi ba parang kinakalaban mo patalikod ang ate mo?"-marie
"Hindi sa ganun pero mas may tiwala ako sa mga larmiento kesa kila Jiyo. Oo inaamin ko may galit ako sa mga larmiento dahil sa ginawa nila sa ate ko, pero alam kong ginawa yun ni Hansel dahil sa selos at di ko siya masisisi dahil ganun din ako. Pero alam mo ba hindi kaya nina Hansel na pumatay at mang rape ng tao tulad ng grupo nila Jiyo. Demonyo sila Marie, mga masasamang tao sila."-meKitang kita ko naman sa mga mata ni marie ang takot at pag aalala. Hindi ko siya gusto makaramdam ng ganito gusto ko lang maging ligtas siya.
"Lumayo kana sa kanila ngayon palang hanggat di ka nadadamay sa gulo between sa dragons saka sa mga larmiento"-me
Nakarinig kami ng iilang mga yapak di kalayuan sa court. Mukhang pabalik na ang ilang studyante at di ako puwede makita ng Jonas na yun.
"Kailangan ko na umalis. Tandaan mo lahat ng sinabi ko Marie."-me
Bago pa man ako umalis ay agad siyang tumayo at pinigilan ako.
"Sandali"-Marie
Tinignan ko siya at inabangan ang sasabihin niya.
"Asan ang mga larmiento?"-Marie
Di ako nakasagot sa tanong niya. Bakit niya pa kailangan malaman? Pag sinabi ko baka sabihin niya lang kay Jonas dahil alam kong may kung ano sa kanilang dalawa.
"Mauuna na ako"-me
Sabay takbo ko paalis.
(Maries Povs)
Nag datingan na ang mga kaklase ko at nag hahanda para sa susunod na subject. Di ako mapakali sa mga sinabi ni Mikey. Nahahati na ang tiwala ko between sa kanilang dalawa ni Jonas. Wala akong nakita na kahit anong kasinualingan sa mata ni Jonas at alam kong sincere siya sa mga sinasabi niya. Buong akala ng lahat ay patay na si ella pero hindi. Dapat ba malaman nina Jonas na buhay si ella para tigilan na nila ang mga larmiento? Tutal ayun naman ang dahilan nila kaya gusto nila gumanti sa mga ito. Dapat korin bang sabihin kay Jonas na nakita ko na si Mikey? Pero paano kung hindi panindigan ni Jonas ang pangako niya na hindi niya ito sasaktan o papatayin? Di ko alam. Gulong gulo ako. Simula nung sinabi sa akin ni Mikey na pumapatay sina Jonas ay naalala ko bigla kung paano niya ako tutukan ng baril at titigan ng masama na para bang di siya mag dadalawang isip kunin ang kaluluwa ko. Kanino ako dapat lumayo at magtiwala? Bakit ako naiipit sa gulo na ito eh labas naman ako. Ewan ko pero ayoko na. Tama na."Marie"
Di ko alam pero nanigas ako sa kinauupuan ko at di nagawang lumingon o umimik ng marinig ko ang boses ni Jonas. Puno na ng takot ang pag tingin ko sa kanya ngayon. Paano kung balang araw bigla niya akong tutukan ng baril at tuluyan na itong iputok sa ulo ko?
"Bakit hindi ka kumain?"-Jonas
Di ko alam kung paano ako iimik. Kasalukuyan na siyang nasa gilid ko ngayon at naka tayo.
"Hoy kinakausap kita"-Jonas
Nanginginig at dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at tumingin sa kanya. Di ako makapaniwala na ginawa nila iyon ng tropa nila. Nang gahasa,pumatay, kinunan ng video at pinag tawanan. Ilang demonyo ba ang nasa loob ng katawan ng taong toh?
"K-k-kriminal ka"-me
Bulong ko na alam ko namang narinig niya dahil biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha niya. Nag salubong ang kilay niya at dahan dahan lumabas ang mga kamay niya sa bulsa niya. Ganitong ganito yung tindig nung Jonas na tinutukan ako ng baril.
"Anong sabi mo?"-Jonas
Uulitin ko pa ba? Alam kong hindi siya mag dadalawang isip na saktan ako kahit maraming tao dito sa paligid.
"Ulitin mo nga yang sinabi mo"-Jonas
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nanlilisik na ang mga mata niya. Nakakatakot tignan na para bang binabasa niya ang kaluluwa ko.
"Lumayo kana sa aken"-me
Sabay takbo ko paalis at iniwan siya duong naka tayo. Takot na takot ako. Kinuha ko ang mga gamit ko at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.
Hindi ko alam na iyon na pala ang huling beses na makikita ko si Jonas sa school.
Hindi na siya pumasok pag katapos nun. Ano na nangyari sa pag hahanap niya sa mga larmiento na sinabi niyang nasa school? Bakit siya umalis? Bakit di na siya nag pakita ulit?
Ayoko man pero hindi ko maiwasan ang sarili ko na hanapin siya at mapaisip kung ano ng balita sa kanya. Puno ng kuryosidad ang babaeng yun at alam kong ganun din ang mga kaibigan niya. Mukha ngang mas napunta ang tiwala ko kay Mikey dahil nagawa kong sabihin kay Jonas yun.Mali ba na sinabihan ko siyang kriminal kahit walang ibedensya na pinakita si Mikey? Pero halata naman na pumapatay siya ng tao dahil sa mga inaasta niya. Basta isa lang ang alam ko, hindi siya safe kasama. Mas mabuti narin ata na nawala na siya.
Ako ang naging tanungan sa university kung nasaan na si jonas. Di ko alam wala akong ideya. Si Jasmin ay araw araw akong tinatanong kung ano nangyari. Sumasakit na ang ulo ko sa mga paulit ulit na tanong na pati ako napapatanong narin sa sarili ko kung nasaan nga ba siya? Saan na siya napunta at kung......buhay paba siya?
To be continued.....
YOU ARE READING
Innocent Criminals
AcciónWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.