Nasa labas kami ng iskwelahan at manghang mangha ako sa nakikita ko. Napaka laki naman talaga. Di siya ganun ka gara tignan pero halatang luma at historical.
"Gaano na katagal toh?"-me
"Panahon pa ng mga espanyol yan"-mikeyNapa bilog ako ng bunganga sa pag kahanga.
"Joke lang. Kuya puwede ba kaming pumasok?"-mikey
Tanong ni mikey sa guard na nasa guard house
"Tapos na ang enrollment saka exam mga iha"-guard
"De kuya itu-tour ko lang tong kasama ko. Bago kasi"-meNapakunot naman ng noo ang guard at napatingin sa akin mula paa pataas.
"Next week na ang pasukan. Hintayin niyo na lang. Walang staff sa loob na mag babantay sa inyo."-guard
Nakasimangot naman kaming umalis
"Parang ang sungit naman nun"-me
"Bago lang ata yung guard na yun eh. Di ko siya kilala"-mikey....
Lumipas ang ilang araw at dumating narin sa wakas ang pinaka hihintay ko. Di na kami nakapag sabay ni mikey sa pag pasok dahil morning class ako at afternoon naman siya. 8am pa ang klase ko pero inagahan ko ang pasok para mag pasa ng requirements. Nakadating ako sa school at may isang babaeng nag assist sa akin. Marami siyang kaparehas na damit. Siguro ay mga staff sila. Nakadating na ako sa office at masyado lang mabilis ang pangyayari. Kinuha ko ang transaction card ko at schedule. Wala silang uniform dito para sa college dipende na lang sa mga culinary at tourism.
Ok lang naman sa akin ang ganun pero mukhang mahihirapan ako neto mag laba laba at nakakahiya naman kung paulit ulit lang ang susuotin ko."Miss saan CR dito?"-me
Tinuro ng isang studyante ang cr sa dulo.
"Sige salamat"-me
Agad ako tumungo dun dahil ihing ihi na talaga ako. Pag pasok ko ay nakasarado ang mga cubicle.
Wag mo sabihing kailangan ko pa mag hintay?
tinulak ko isa isang cubicle hanggang sa bumukas ang isang cubicle bago ang huli.
"Yun"-me
Agad ako pumasok at nilock ang pinto at dali daling umihi. Habang umiihi ako ay nakaamoy ako ng usok ng sigarilyo. May anino sa bandang paahan ko na ibig sabihin ay may tao sa kabilang cubicle na nasa dulo at mukhang naninigarilyo ito.
Teka bawal toh ah
Pag ka flush na pagka flush ko ay nakarinig ako ng kalabog sa pinto ng banyo. Nagulat naman ako at minadali ang pag susuot.
"Tama na please"
Narinig ko ang iyak ng isang babae sa labas at may kung sino sinong boses ng mga babae ang maririnig..
"Amin na kasi pera mo"
"Bago ka siguro noh? Di mo pa kami kilala?"Kinabahan naman ako. Dahan dahan akong lumabas sa cubicle ko at nakayukong nag tungo sa salamin para mag hugas ng kamay. Sinundan lang nila ako ng tingin habang ako ay umaasta na parang walang nakikita. Natatakot ako dahil andami nilang babae tapos may isa silang binubully na naka uniform, Highschool ata.
"Wag mo na patagalin baka kung ano pang masamang gawin namin sayo eh"
"Maawa na kayo wala akong pamasahe pauwi" ani ng babaeng binubully nilaNagtawanan naman ang mga kupal at mas lalo akong nainis. Shocks kung isa o dalawa lang sana sila tumulong na ako.
"Wala kaming pake di na namin problema yun."
"Ate tulungan moko"
YOU ARE READING
Innocent Criminals
ActionWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.