(Jonas Povs)
mag isa akong naka tambay sa bubong ng mansyon ni Jiyo. Umiiyak ako at iniisip si Jason at kung paano tatanggapin na malalayo siya sa akin. Wala narin namang dahilan para manatili siya sa tabi ko dahil mukhang ako lang rin naman ang nag lalapit sa kanya ng gulo. Sawa na akong pag tabuyan ng kahit sino, una ang pamilya ko, sunod si marie at ngayon naman ilalayo sa akin si Jason na kambal ko.
Pagod na ako. Pagod na pagod na ako na nilalayuan ng mga tao. Ayokong mag pakamatay ng walang nag mamahal sa akin dahil para lang akong nawala sa mundo tapos walang may pake. Gusto ko kung may mamatay ako ay may makakaalala sa akin at ipag dadasal ako kung saan man ako mapunta."Haaay ang buhay"
Agad ko pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang isang boses na lagi kong inaasahan sa tuwing tatambay ako sa matataas na lugar.
"Jonas Jonas Jonas"
Napatingin ako kay Up na nag lalakad papunta sa akin.
"Sawang sawa na ako na nakikita kang umiiyak mag isa sa matataas na lugar. Ano naman ang problema mo ngayon?"-Up
Hindi ganun kalapit ang loob ko kay Up kumpara kay Jiyo. Tahimik lang na tao si Up pero marunong makisama. Never ako umiyak sa harap ng iba at siya ang laging nakakakita sa akin na umiiyak. Siya ang nakakaalam ng emotional sides ko dahil siya lang naman ang napag sasabihan ko ng sama ng loob. Lagi siyang nakatambay sa matataas na lugar at hilig niyang mapag isa. Hindi ito ang unang beses na nakita niya ako umiiyak kundi ilang beses na. Lagi ko siya sinasabihan na wag sabihin sa iba kung hindi masasaktan siya sa akin.
Mabait na tao si Up at tinuturing ko siya bilang kuya dahil sa mga pang matandang advice niya. Sa aming mag kakaibigan ay silang dalawa ni Jiyo ang pinaka matanda. Never ako nag labas ng seryosong problema kay Jiyo dahil wala namang masasabing matino yun at lagi lang kami nag aaway. Si Taya naman ay masyadong positibo sa buhay at di man lang nilalagay ang sarili niya sa sitwasyon mo. Si Seun saka Dane? Tsss di na kailangan ipaliwanag."Pagod na ako.mag pahuli sayo na umiiyak"-me
Sabay hinga ko ng malalim at yuko. Umupo siya sa tabi ko.
"Ako rin pagod na ako makita kang umiiyak. Pero di ako mapapagod na samahan ka sa lahat ng oras na may problema ka. Anong problema ngayon?"-Up
Di na ako nag dalawang isip na sabihin sa kanya dahil siya lang naman ang mapag kakatiwalaan ko pag dating sa ganito.
"Si Jason. Kukunin na siya ng Tita ko sa ibang bansa"-me
Sabay tingin ko sa kanya at nakita ko siyang napa ngisi.
"Ganun? Edi pumunta rin tayong ibang bansa wala namang kaso dun. Patapon tayong mag kakaibigan pero may mga pera tayo"-Up
Sabay kaming natawa pero agad ding kumupas ang kasiyahan sa akin.
"Hindi. Ako na mismo nag tulak kay Jason palayo. Pakiramdam ko kasi sa tuwing malapit siya sa akin lagi siyang napapasok sa gulo lalo na pag nag kakaharap sila ni Jiyo"-me
"Edi si Jiyo na lang padala natin sa ibang bansa"-UpMuli nanaman kaming natawa. Eto yung gusto ko sa kanya, yung mabilis niyang napapa gaan ang pakiramdam ko kapag may problema ako, pero kung kay Jiyo ko sinabi toh baka umuusok na ako sa galit.
"Biro lang. Ganun pala pinaparaya mo na siya. Pero kung ako sayo kung paparayain mo siya hindi ibig sabihin nun ay lalayo na ang loob niyo sa isat isa. Kailangan mo tanggapin kung lalayo siya dahil tulad nga ng sinabi mo desisyon mo yun na mapabuti siya diba? Keep in touch ka lang sa kanya, kontakin niyo ang isat isa at mag kamustahan kayo. Any time naman puwede natin siya dalawin sabihin mo lang. Kahit wag na siya umuwi tayo na lang ang pumunta dun para di alam ng magulang mo"-Up
"Andun din si Tita eh. Yung sinasabi ko sayo na pinag hihiwalay kami"-me
"Edi patayin natin tita mo"-Up
YOU ARE READING
Innocent Criminals
ActionWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.