(Maries Povs)
Kasalukuyan kong naririnig ngayon ang call record na nasa cellphone ni Mikey. Parehas na parehas talaga ito sa pinarinig sa akin ni Mr.K. tama ang hinala ni Jonas na may koneksyon nga si Mr.Pillas sa kumuha kay Mikey. Kung ganon dapat paba ako mag alala o maki alam? Ligtas si Mikey ibig sabihin nun saka di ko alam kung kaya ko pa siya tignan bilang kaibigan pag katapos ng lahat ng sinabi ni Jonas."Ano ng plano mo?"-me
"Tinatrack pa nina seun at dane kung nasan si mikey"-Jonas
"Puwede ba ako mag request sayo?"-me
"Hindi"-JonasNakakainis naman toh di man lang tinanong kung ano.
"Tingin ko kasi wala na ako dapat asikasuhin o pakailaman sa pag hahanap kay Mikey. Nasa mabuting kalagayan naman ata siya dahil alam ng papa niya kung nasan siya. Hahayaan ko na lang kayo sa pag hahanap sa kanya"-me
Tumungo naman si Jonas
"Pero may pabor ako"-me
Di siya nag sasalita pero alam kong nakikinig siya.
"Puwede ko ba makita at makausap si Jiyo?"-me
Napatigil siya sa pag kukulikot sa cell phone ni mikey ng sinabi ko yun. OMG galit ba siya?
"At bakit?"-Jonas
"May gusto ako sabihin sa inyong dalawa"-me
"Bakit di mo na lang sabihin sa akin tapos sasabihin ko sa kanya? Bakit kailangan mo pa na makita siya?"-Jonas
"Gusto ko sabihin ng personal kasi..."-meWala akong tiwala dito kay Jonas alam kong babaliwalain niya lang rin lahat ng sinasabi ko.
"Hindi puwede"-Jonas
Di ko na tinuloy ang sasabihin ko. Sabi na nga ba.
"Pag ginawa ko yun ako ang mananagot. Di nila alam na may katulong ako sa pag hahanap kay Mikey saka sa mga larmiento. Walang dapat maka alam. Pag nalaman ni Jiyo na may katulong ako at di mo nakuha ang tiwala niya di lang ako ang mananagot, pati ikaw."-Jonas
Alam ko namang nag sasabi siya ng totoo. Wala naman ako magagawa.
"Sige sayo ko na lang sasabihin"-me
Inabangan niya lang ako mag salita.
"Puwede ba pag nakita niyo si mikey..."-me
Tumingin siya sa akin.
" wag niyo siya sasaktan o papatayin?"-me
Agad naman siyang tumungo.
"Sige"-Jonas
"Mangako ka"-meSabay abot ko ng kamay ko para makipag deal.
"Sinabi ko ng Sige. Di ako sumisira ng pangako"-Jonas
Ibinaba ko na lang ang kamay ko.
"Para maka sigurado ako na hindi niyo siya sasaktan o papatayin pag nakita niyo siya kailangan makaharap ko muna siya bago ko siya hayaan sa inyo. Marami akong gusto itanong at sabihin sa kanya"-me
"Ok"-JonasHayyyst ang tipid niya sumagot. Di ko tuloy alam kung nakikinig ba talaga toh o may pake sa sinasabi ko.
"May itatanong ako"-me
Tinatamad nanaman siyang tumingin sa akin.
"Yung kambal mo diba ka height mo?"-me
Sa pag kakataon na ito ay umayos na siya ng pag kakaupo. Mag kaharap kasi kami ngayon na nag uusap sa classroom at nasa upuan ako na nasa harap ng desk niya.

YOU ARE READING
Innocent Criminals
ActionWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.