Chapter 17

559 17 0
                                    

"Marie tignan mo toh ang cute oh"-Mikey

Balik na ulit sa dati ang lahat. Mag kasama na ulit kami ni Mikey. Isang linggo na ang naka lipas simula nung nawala si Jonas at nag balik na si Mikey nang hindi nag tatago dahil wala na siyang dapat taguan pa. Sinabi sa akin ni Mikey na kaya daw siya siguro pinag hahanap ng grupo nina Jonas ay dahil may alam siya saka ang mga Larmiento sa pag patay ng dragons sa step mom niya.
Nakakatakot man isipin ay may lungkot parin ako na nararamdaman na di ko mawari kung ano nga bang dahilan. Kung kailan mas nakakalagayan ko na ng ng loob si Jonas ay saka ko malalaman ang lahat at nawala siya ng di man lang pinapaliwanag ang lahat.

"Marie gusto mo ba bumisita sa tinitirahan namin ni ate mamaya? Hindi ganun kalakihan pero komportable naman. Lagi kita kinukuwento kay ate at gusto ka niya makilala"-Mikey

Napa ngiti naman ako kahit na bakas sa mukha ko ang pagka walang gana.

"Ayos ka lang ba?"-Mikey

Di ako tumungo o umiling. Di lang talaga ako mapakali sa mga nangyayari. Para akong nawalan ng kaibigan na kaaway, yung kaibigan mo na tapos naging kaaway mo tapos biglang nawala ng hindi man lang kayo nag kakaayos.

"Mukhang hindi. Anong problema mo?"-Mikey

Pag sinabi kong si jonas ay baka masira pa ang pagkakaibigan namin ni Mikey. Ikikimkim ko na lang mag isa.

"Wala di na mahalaga. Daanan mo na lang ako sa unit ko mamaya pagkatapos ng klase mo para makabisita ako sa ate mo."-me
"Oh sige maganda yan. Puwede karin matulog dun kung gusto mo."-Mikey
"Pag iisipan ko pa. Mauna na ako"-me

Di ko na siya inabangan pa mag salita. Umalis na ako dala ang gamit ko. Gusto ko mapag isa at pag nilayan ang nagaganap sa paligid ko. May parte ako na hindi na nag titiwala kay Mikey pag katapos niya aminin na may kasalanan talaga siya. Pero dapat mas matuwa pa ako kasi si Mikey marunong umamin ng kasalanan at napatawad siya ng ate niya pero si Jonas pumatay tapos papatayin pa yung nakakita.

"Seems like you've been tulaley this days"

Nakasalubong ko si Mr.Tapang bago pa man ako makalabas sa school.

"I know it is really hard for you to accept that your friend Jonas is gone. I mean hindi pala kayo friends dahil nasabi sa akin ni Jonas na kakilala ka lang daw niya at pinag aaksayahan ng oras. Ang bad ni Jonas noh? Dapat sa mga ganung klaseng tao hindi pinag aaksayahan ng oras kausapin o isipin diba? "-Mr.Tapang

Nadurog naman ako sa sinabi ni Mr.Tapang. sinabi ni Jonas sa kanya yun? Sabagay mas ie-expect ko pa na marinig kay Jonas yun kesa sa sabihin niyang may tiwala na siya sa akin.

"Sige sir mauna na po ako"-me
"Wait"-Mr.Tapang

Di na ako lumingon kay sir at tumayo na lamang

"Kung sakaling mag kita kayo ni Jonas tell her that lalayuan ko na siya kaya di niya na kailangan lumayo"-Mr.Tapang

Sabay alis ni Mr.Tapang. napalingon ako dahil dun at napakunot ang noo.

What?

Lalayo na siya kaya di na kailangan lumayo ni Jonas sa kanya? Teka may kinalaman ba siya sa pag kawala ni Jonas?


Kinagabihan. Pumasok ako sa 7/11 sa pag aakalang makikita ko si Jonas dun saka ang kambal niya. Pero hayyst. Wala. Nakaramdam na siguro siya na posibleng pumunta ako dito dahil dito niya nasasabi na madalas sila mag kita.



"Miss watch out"



Napatingala ako at isang kamay ang sumalo ng isang bote ng alak na malalaglag na sa ulo ko.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now