Chapter 11

705 15 0
                                    

(Maries Povs)
Pag katapos ikwento sa akin ni Jonas ang lahat ay nag simulang mag iba ang pakiramdam ko kay Mikey. Ayoko maniwala pero kita naman sa mukha ni Jonas ang inis. Lumapit narin ang loob ko kay Jonas dahil salbahe lang pala talaga siya pero di ka naman niya gagalawin pag di mo siya pinakailaman. Kahit papaano ay nag kakausap narin kami mga 3 to 6 seconds na usap.
Mag katulong kaming inaalam kung sino kumuha kay Mikey. Pero natatakot ako sa puwede niyang gawin kay Mikey pag nakita niya ito baka patayin niya.

"Sino nga pala yung edgar?"-me

Napakunot naman siya ng noo na napatingin sa akin habang nakapila kami sa canteen. Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng ikwento niya sa akin ang lahat at sa tingin ko ay nakukuha ko na ang loob niya bilang isang kaibigan.

"Anong edgar sinasabi mo?"-jonas
"Yung kausap mo nung una tayong nag kausap. Yung sabi mo tatapon mo ako sa kahuyan"-me

Napatigil ako nung akmang sasampalin niya na ako. Ang lakas pala ng boses ko tapos ganun pa sinasabi ko.

"Aww sorry.. naalala mo?"-me
"Oo. Nakikinig ka pala nun. Labas kana dun. Walang makakarating tungkol diyan huh?"-jonas

Todo tungo naman ako dahil alam ko namang mamatay ako pag kinwento ko sa iba.

"Eh diba dapat yung hansel papatayin mo?"-me

Kasalukuyan na kaming umupo sa table namin dala ang order namin na pag kain.

"Si Jiyo papatay dun. Ako sa Edgar yung tatay ni Hansel. Ayun kasi yung dahilan kung bakit di kami nakapag aral sa school na toh ng isang taon. Saka siya rin nag dagdag ng buwan sa pag kakakulong namin sa prisinto. Hayop sila mag ama"-Jonas
"Pero wala ng Edgar saka Hansel Larmiento dito."-me
"Ewan ko ba kina seun saka dane. Sabi nila nandidito daw base sa mga address na pumapasok sa kanila"-Jonas
"Baka nililinlang kayo. Baka nangibang bansa na talaga"-me
"Kung ganun edi masuwerte sila"-Jonas

Tahimik lang ako na nakatulala sa kawalan.

"Kung makikita mo man mga kasamahan ko wag na wag mo sasabihin sa kanila na alam mo ang lahat. Lalo na dun sa mikey na yan"-Jonas

Sabay tingin niya sa akin ng masama napatungo naman ako na parang bata na sunud sunuran.

"Jonaaaaaas"

Naagaw ang atensyon namin sa sumigaw na nasa daan papasok sa canteen. Hala yung jasmin, tropa niya na pala yung mga nambully sa kanya nun na college students.

"Ano bang problema ng babaeng toh?"-Jonas

Mukhang di pa alam ni jonas na may gusto sa kanya tong babaeng toh. Ano kaya magiging reaksyon neto natatawa na ako agad.

"Hello. Tikman mo tong binake ko para sayo. Cupcakes. Tikman mo cupcake ko "-Jasmin

Sabay lapag niya neto sa harap ni Jonas at naka carton pa. Natatawa ako sa mukha ni Jonas takang taka siya. Nakakunot ang noo na parang naiirita.

"Salamat na lang di ako mahilig sa matamis"-Jonas
"Ganun ba? Sige bukas iba na lang.. pero try mo yan ah"-Jasmin

Napatigil ako sa pagtawa ng mapatingin sa akin si Jonas

"May alam kaba dito?"-Jonas

Umiling iling ako habang umiinom ng coke.

"Kailan ka nga pala gagawa ng account sa facebook? Sige na para mag chat tayo"-Jasmin
"Malayo ako sa social media"-Jonas

Totoo naman. Bubuksan niya lang phone niya pag may tatawagan o may tumatawag.

"Edi...penge na lang number mo"-Jasmin

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now