(On call)
"Ano ng balita?"-MarieNasa loob ako ng sasakyan ko at kasalukuyang nakaprada di kalayuan sa bahay na nahanap ko.
(On call)
"Wala pa akong nakikita na dumadating o lumalabas. Busy kaba?"-me
"Hindi. Bakit?"-Marie
"Kailangan ko ng tulong mo dito. Nasaan ka?"-me
"Nandito lang ako sa unit ko"-Marie
"Sige"-meUmalis ako dun at maya maya pa ...
"Kailangan kita kasi imposibleng makilala ka nila di mo pa naman sila nakikita. Saka di ko alam kung sino ang posibleng makita ko diyan"-me
Tumungo naman si Marie at lumabas habang ako ay nag babantay.
(Maries Povs)
Inutusan ako ni ella pumunta sa bahay na yun at kumatok"Tao po"-me
Di naman kalakihan yung bahay kaya imposible na taga dito yung mga larmiento. Ang alam ko mayaman sila
"Sino po sila?"
Sabay labas ng isang babae sa pinto na medyo matanda na.
"Delivery po para kay Mr.Larmiento"-me
"Ano?"Nagulat naman ako sa naging reaksyon ng babaeng yun.
"Anong pinag sasabi mo? Walang larmiento dito. Pag aari namin tong bahay saka lupa."
Di naman kailangan magalit.
"Nakalagay po kasi yung address niyo dito"-me
"Wala kaming pinapadeliver"Tumungo na lang ako at umalis sabay balik kay ella at iling. Inisa isa namin ang mga lugar na posibleng tinitirahan ng mga larmiento pero kada bahay ay may iba ng nakatira at di kilala ang tinutukoy namin.
"Last na toh. Kailangan na natin umuwi"-ella
Lumabas ako at lumapit sa isang gate. Eto sobrang laki na nung gate at bahay. Nag door bell ako.
Tumingin tingin ako sa loob at wala akong nakitang paparating. Nag door bell ulit ako.
"Ano bayan eto yung mahirap pag malaki yung bahay eh."-me
Bago pa ako mag door bell ulit ay napalingon na ako nung may nakita akong tatlong lalaki na paparating.
"Ano kailangan mo?"
Tanong nung isa na kulay puti ang buhok. Dalawa sa kanila ang di katangkaran at ang isa ay puti ang buhok samantalang ang isa ay dikit anit na tirintas. Yung isa.... ang tangkad kasing tangkad nung Up. At eto pa.. ang gagwapo nila.
"Huh? Amm.. delivery po para kay Mr.Larmiento"-me
Nasindak ang mukha nila sa sinabi ko at nag tinginan. Hmmm mukhang eto na nga yung lugar.
"Anong sinabi mo? sinong larmiento?"
Banggit nung lalaking naka dikit anit.
"Si Mr.Edgar Larmiento po"-me
Nag iba ang ekspresyon ng mukha nila mula sa pagiging normal ay biglang nagulat na nag salubong ang kilay. Nag riring ang phone ko. Tumatawag si ella. Napatingin ako sa sasakyan niya at kumakalampag siya. Bakit? Masasamang tao ba ang mga ito?
"Sino ka?"
Tanong ng naka dikit anit. Nag simula na ako kabahan. Di ko alam kung bakit. Feeling ko may masama silang gagawin sa akin.
"Sumagot ka"
Tanong nung puti ang buhok.
"Amm. nag dedeliver po ako"-me
YOU ARE READING
Innocent Criminals
ActionWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.