Natulala ako kay Jason na nakapikit parin.
Parehas lang naman kami na gustong gusto ang pag aaral at ayaw iwanan. Pero siguro mukhang mas kailangan muna namin isipin ang kaligtasan namin ngayon at ng lahat. Kung mag pupumiglas pa kami sa mga kamay nila ay baka sila pa ang mahirapan sa amin. Kailangan ko makausap si mommy at daddy para kahit papaano maiwasan nila ang pag aalala sa akin.Lumabas ako sandali at umupo sa hilerang upuan sa hallway at tumulala sa pader.
Ganito pala yung pakiramdam na pumasok sa gulo na wala ka namang kinalaman. Nakakatakot pero at the same time nakaka excite ang bawat segundo ng buhay mo dahil di mo alam kung anong mangyayari sa susunod at kung anong balita ang dadating.
Paano pa kaya kung ako mismo yung nasa sitwasyon nila na pakikipag laban at binabantayan buhay nila na kada oras puwedeng mawala? Baka nag paka tiwakal na lang ako nun.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mommy
(On call)
"Mommy. Papakamatay na ako...ayy...sorry este kamusta na kayo?"-me
"Ayos naman anak. Ikaw? Kamusta pag aaral?"-Mom
"Ayos naman po"-me
"Nasaan ka ngayon?"-mom
"Nasa hospi-- sa unit ko.. sa unit ko."-me
"Ganun ba? Anak mag iingat ka huh? Alagaan mo ang sarili mo"-mom
"Opo mom. Ako pa. Saka strong mga kasama ko dito"-me
"Kasama mo?"-mom
"Mga friends hehe.. ahh mom saka nga pala baka mapadalas pag absent ko sa school masama kasi pakiramdam ko"-me
"Huh? Ay aba.. kailangan mo ba ako diyan? Sabihin mo lang"-mom
"Mom hindi naman. Eto naman. Sige mommy baka..."-meNagulat ako ng biglang lumabas si Up sa loob ng silid na iyon.
"Sinong kausap mo?"-Up
(On call)
"Sino yon? Lalaki yun ah. Marie anak? May boyfriend kana ba? Bakit di mo sinabi sa amin? Kinakasama mo pa diyan sa unit mo. Anak ah. Baka mamaya yang sinasabi mong may sakit ka ay baka naman nag dadalang tao kana"-mom
"MOM??"-meAgad ko inendcall ng makalapit si Up
"Nanay mo?"-Up
Tumungo ako.
"Ano sabi? Pinapauwi kana ba?"-Up
"Hindi..hindi pa naman"-meTumungo na lang rin siya. Simula nung pag hinalaan niya akong baliw sa 7/11 ay di ko maiwasang mailang kay Up sa tuwing lalapit siya sa akin. Nakakahiya rin kasi yung ginawa ko sa kaniya nun na para akong first time makakita ng lalaki kung titigan ko sila ni Jason
"Puwede ka muna pumasok sa school mo ngayon habang hindi pa kami ayos ni Jason. Kasi si Jonas mukhang bukas ayos na"-Up
"Sige"-me
"Sasamahan ka muna siguro ni Jonas sa school. Ang alam ko classmate mo dapat yun ang kaso di pumapasok"-UpNatawa naman ako.
"Wala namang intensyon mag aral yon"-me
"Kaya nga eh. Sayang si Jonas. sa kanilang mag kambal maniwala ka man o hindi mas matalino siya saka mas mabilis mag isip. Ang problema parang di interisado mag aral eh"-UpSabi na nga ba. Mabilis siya mag isip. Nakakahiya naman na ako pa itong masipag mag aral pero mas matalino siya sa akin.
Nakaramdam ako ng pagod at antok dahil anong oras na at may pasok pa ako bukas.
"Puwede ba akong umuwi?"-me
"Hatid na kita"-Up
"Huh? Naku hindi. Kailangan mo mag pahinga. Sige pasabi na lang kay Jonas mauuna na ako. Balitaan niyo ko kay Jason ah. Dadalaw ako dito bukas"-meTumungo siya at dun na ako umalis.
Bumagsak na lang ako sa higaan ko sa pagod dahil grabe ang pagod ko sa mga nangyari ngayong araw.Kinabukasan.
YOU ARE READING
Innocent Criminals
AzioneWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.