Nagulat ako sa sinabi ni Ella. Alam kong sa mga panahon na yun ay di niya pa inaasahan na magagawang pumatay ni Jonas.
"Nag takbuhan paalis yung mga kasama ni Hansel. Kung di pa ata hinila ni Jiyo palayo si Jonas baka inulit ulit pa ni Jonas saksakin si Hansel. Nakakatakot. Tumayo ang balahibo ko sa mga oras na yun at tumatagaktak ang malamig kong pawis. Unang beses ko yun makakita sa buong buhay ko na may sinaksak at alam kong kahit anong oras puwede kaming hulihin o kaya baka mamatay si Hansel. Natatakot ako para kay Jonas. Pero siya hindi siya nag papaawat sa mga oras na yun kahit bumagsak na ang katawan ni Hansel sa sahig. Hindi ayun yung Jonas na nakilala ko na tahimik lang at kay Jiyo lang nagagalit. Di ko akalain na magagawa niya yun."-Ella
Kung ganun totoo nga. Hindi nag dadalawang isip si Jonas sa mga ginagawa niya. Kaya niya nga pumatay kung walang aawat sa kanya. Nag papasalamat na lang ako dahil di niya tinuloy ang pag baril sa akin nun.
"Na hospital si Hansel siyempre. Pinarehab si Jonas ng ilang buwan. Ilang beses umiwas sa amin si Hansel nun at sa akin dahil alam niya na kung sino at anong ugali ng mga taong nakapaligid sa akin. Gabi gabi umiiyak si Jason kakaisip sa kambal niya. Sabi sa akin ni Jiyo nag iiba talaga si Jonas pag ginagalaw ang kambal niya kaya di na ako mag tataka kung bakit niya nagawa yun kay Hansel"-Ella
"Ano na nangyari sa kanya pag katapos niya ma rehab"-me
"Siyempre school yun. Kumalat sa buong school ang nagawa ni Jonas"-ellaNgayon alam ko na kung bakit kami madalas pag tinginan pag nasa canteen kami. Alam ko na kung bakit ganun na lang makaiwas si James kay Jonas. Siguro ay alam niya ang mga nagawa ng Jonas na yun.
"Sa pag labas ni Jonas sa rehabilitation akala namin tapos na ang lahat kahit kailan talaga yun"-Ella
Akon nai-stress kay Jonas. Yung feeling na naka move on na lahat tapos siya hindi pa.
"Pag pasok na pag pasok niya sa school imbis na yakapin kami kasi namiss namin siya mukhang si Hansel ang namiss niya. Jusko sinugod niya talaga. Naalala ko pa nun nasa hallway kami nun inaabangan ang pag dating niya tapos nag kataon na nandun din si Hansel kasi kinakausap niya tatay niya. Jusme di siya nag dalawang isip na hatakin sa kuwelyo si Hansel sa harap ni Mr.Larmiento at sa harap ng ibang tao. Siyempre sariwa pa sa lahat ang nangyari kaya lahat nagulat. Lalo na si Hansel halatang gulat na gulat siya nun. Edi kami tong sumugod tapos umawat sigaw sigaw pa nun si Mr. Larmiento na Stop Stop or else I will suspend you, kinabahan nanaman ako nun. Nanginginig sa takot si Hansel tapos si Jason naka hawak sa mga braso ni Jonas tapos sabi pa ni Jonas nun Wag na wag mo na didikitan, hahawakan o lalapitan ang kapatid ko kung ayaw mong patayin kita sa harap ng tatay mo"-ella
Shook na shook ako sa mga kuwento ni ella. Gayang gaya niya yung pananalita ni Jonas, yung gigil na gigil tapos panlilisikan ka ng mata. Sabi nga ni Jonas sa akin kabaliktaran niya magalit si Jiyo pero parehas silang hindi mag papatalo hanggat may hininga pa sila.
"Tapos tinulak niya si Hansel sa tatay niya as in shook to the max kami nun kasi naman kaka galing niya palang sa rehab akala namin marerehab nanaman siya. Mabuti at community service ang parusa sa kanya pero parang ayaw niya parin tantanan si Hansel dahil gusto niya rin marehab ito dahil sa pag tatangka niyang pang gagahasa sa akin"-Ella
"Dapat lang naman talaga eh"-me
"Kung di lang nag makaawa sa akin si Mikey na wag iparehab si Hansel sa mga oras na yun baka nag kita sila sa rehabilitation center ni Jonas. Mas pinili ko na lang hayaan at manahimik kasi nag sorry narin naman sa akin nun si Hansel"-Ella
"Tapos? Yung pagkuha nila sayo paano nangyari yun"-me
"Bumuo na ng grupo si Hansel nun kasi gusto niya gumanti kay Jonas lang sana pero mukhang dinagdagan pa ni Jiyo ang galit niya kasi lagi siya neto pinapahiya sa mga tao. Malakas mang asar si Jiyo dahilan para mabilis mabwisit sa kanya yung mag kambal. Si Jiyo laging inaasar si Jason tapos parang si Jonas ang natatamaan. Yung galit nun ni Hansel pinag sama samang inis sa akin, kay Jason, kay Jiyo at kay Jonas. Gabi nun at nag celebrate kami ng birthday nung kambal. Hinatid ako ni Jason pauwi, ayun yung gabi na inamin ko na gusto ko siya. Hindi niya man ako nagustuhan pabalik atlis nasabi ko ang nararamdaman ko diba? Kaso di ko alan na yun na pala ang huli naming pag kikita. Nakasalubong namin si Hansel mag isa sa kalsada. Nag yaya siya na samahan kami pauwi pero siyempre hindi kami pumayag. Takot na takot ako sa mga oras nayun dahil ramdam kong may mang yayari na sa aking masama. Kumapit ako ng mahigpit kay Jason habang nag lalakad. Yung takot ko pinag halong takot na baka hindi niya ako mapaglaban kay Hansel saka takot na baka may mang masama kay Jason"-ellaMukhang naipit talaga sa matinding sitwasyon si ella sa mga oras na yun. Lumalabas na parang responsibilidad niya pa si Jason pag may nangyaring masama sa tao dahil for sure patay siya kay Jonas pag nag kataon na madamay ang kambal neto.
"Sabi ko kay Jason. Umalis na lang siya, bumalik kina Jiyo at humingi ng tulong. Mukhang alam rin ni Jason na hindi niya ako kaya ipag laban kung sakali at lalala lang ang sitwasyon pag nanatili siya. Sumunod siya. Sa huling pag kakataon nag yakapan kami. Yun yung pinaka masayang araw sa buong buhay ko dahil alam kong malaki ang posibilidad na yun na ang huling beses naming pag kikita. Sa pag alis niya ay siya namang lakad ko ng mabilis papunta sa mga daan na dapat ko tahakin. Alam kong hindi na ako ligtas sa mga oras na yun at imposibleng makaligtas ako. Nararamdaman ko na yung mga sumusunod sa akin kahit di ako lumilingon. Umiiyak na lang ako hanggang sa nangyari na ang dapat mangyari. Tinakloban nila ako ng sako sa ulo at itinali. Nawalan ako ng malay at di ko na alam kung ano ang nangyari at saan nila ako dinala. Matagal bago inalis sa akin ang sako na yun sa ulo ko. Narinig ko yung boses ni Jason na umiiyak habang sinisigaw ang pangalan ko. Di na ako makakilos nun dahil sa tinurok nila sa akin na kung ano. Tumulo na lang ang luha ko habang iniisip na sana kapag namatay ako kapalit nun yung pag kaligtas ng buhay ni Jason"-Ella
Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha naming dalawa ni ella. Ramdam ko kung gaano kabigat ang pakiramdam niya nun.
"Ayun ata yung oras na akala ni Jason patay kana kaya sinabi niya kina Jiyo"-me
"Oo. Ganun na nga ata. Kaya ganun na lang pag hahanap nila sa mga larmiento ngayon. Ang sarap pala sa pakiramdam na kahit alam nilang wala kana ay pinag lalaban ka parin nila. Kung puwede ko lang sila yakapin para mag pasalamat ginawa ko na ang kaso tulad ni Jonas, mas iniisip ko ang kapatid ko"-EllaNiyakap ko si ella dahil alam kong ipit na ipit na siya sa sitwasyon niya ngayon.
"Pasikreto na lang ako tumutulong kila Jiyo bilang pasasalamat saka para maayos na ang lahat"-Ella
"Bakit di mo na lang ikwento kay Mikey ang lahat na kung paano ka kinidnap nila Hansel?"-me
"Masyado ng nadumihan ang utak niya ng Hansel na yan hanggang ngayon. Bale wala kung ikukwento ko pa sa kanya ang lahat. Iisipin niya lang sinasabi ko lang toh para pag takpan sila Jiyo"-EllaDi ko alam pero biglang nag init ang dugo ko kay Mikey. Ano bang klaseng kapatid yun? Mukhang kailangan ko siya makausap ng masinsinan.
"Pag naayos na ang lahat, Nakulong na ang mga larmiento, Napaniwala na si Mikey na walang kasalanan sina Jiyo sa pag kamatay ng nanay ko, ayos na ako. Masaya na ako"-Ella
Napangiti naman ako.
"Wag ka mag alala tutulungan kita"-me
Nginitian niya naman ako pabalik at niyakap. Napatingin ako sa laptop niya
"Mukhang tapos na"-Me
Napatingin kami duon at nakuha na namin ang exact address ng tinitirahan ng mga larmiento.
"Salamat. Ako na ang bahala mag hanap sa lugar na toh para tignan kung nandito nga sila. Babalitaan na lang kita. Sabihin mo sa may gusto kay Jonas saka niya na makukuha ang reward niya pag nahanap na natin ang mga larmiento."-ella
Umukit sa mga mukha namin ang ngiti ng tagumpay. Ngayon kumbinsido na kami na malapit na namin makita ang mga larmiento at mag babayad na sila sa mga kasalanang nagawa nila. Hindi man tayo mag kakilala Hansel at Edgar larmiento, humanda kayo sa akin mga kriminal kayo. Gigil niyo ko kahit labas ako sa issue grr...
To be continued....
YOU ARE READING
Innocent Criminals
ActionWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.