"Dalawa kapalit ng dalawa"
Napakuyom ako ng kamao ko ng makita ko si Taya na nakaluhod at ganun narin si Jiyo na tinututukan nila ng baril.
"Kamusta? Ms. Ruyal?"
Nag init ang katawan ko sa galit dahilan para mapasugod ako pero agad din ako pinag tulungan ng mga bantay at tinulak palayo.
"Kilala mo ba ako?"
"Wag niyo sila sasaktan please. Ako na lang ang kunin niyo"Hinatak ko si marie pabalik bago pa ito makalapit sa hindi kilalang lalaki eto na kasama si Mr.Larmiento.
"Nababaliw kana ba?"-me
"Mr. Velasquez. Tsk tsk tsk. Akalain mo nga naman oh. Matagal mo na pala kaming ginagago. Talagang nagawa mo pang lokohin ang mga anak namin kani kanina lang. Dahil diyan. Alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo kapag natagpuan namin sila"-Edgar
"Jiyo"Di ko napigilan ang luha ko ng makita ko si Jiyo na nahihirapan. Puro pasa at sugat ang katawan niya at gusto ko sila sugurin dahil sa ginawa nila sa mga kaibigan ko.
"Kung di man kayo mabubulok sa kulungan. Sabay sabay kayong mamamatay!"-Jiyo
"Makulit ka talaga"Inangat ng hindi kilalang lalaki ang baril niya at ikinasa.
"WAG!"-me
Napatingin eto sa akin.
"Ahh.... hahaha. Mukhang mahalaga sayo ang isang toh ah."
"Sino ka bang kupal ka?!"-me
"Huwag mo ako pag sasalitaan ng ganyan kung ayaw mo tuluyan ko ang dalawang toh"
"Jonas..."Napatingin ako kay Marie na kumapit sa braso ko.
"Siya yung tito ko na ama ni Chaeyoung. Kapatid siya ng Papa ko."-Marie
Bumalik ang masasama kong tingin sa lalaking iyon.
"Ikaw ba? Ikaw ba ang pinuno ng lahat ng mga kriminal na toh?"-me
Iniinis talaga ako ng matandang toh at nakuha pang ngumisi.
"Surprise"
Napatitig na lang ako dito ng sobrang masama.
Marie mukhang marami kang dapat sabihin sa amin tungkol sa lahi mo.
"My dear pamangkin"
Bangit neto sabay ngiti at tingin kay Marie na agad tinago ni Up sa likuran niya.
"Remember our offer?"
Napakunot ako ng noo.
"Forget about it. Because we dont want you to make the decision anymore"
Muli netong binalik ang tingin sa akin.
"Do you think that her? And this boys are really a good friend of yours?"
Tanong neto kay Marie.
"Tignan natin kung kaibigan ang tingin sayo ng mga toh"-Edgar
Muli nilang mas diniin pa ang mga baril nila sa ulo ni Jiyo at Taya.
"Ikaw babaeng mukhang lalaki. Mamili ka. Si Marie na kamag anak namin. O etong dalawang kaibigan mo?"
Tanong ng lalaking iyon. Huminga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili ko.
Sorry marie
"Yang dalawang nasa harap niyo"-me
Di ko na tinignan pa si Marie dahil ayoko na mag bago pa ang isip ko at buo ako sa desisyon ko kahit na napalapit na siya sa akin.
YOU ARE READING
Innocent Criminals
ActionWelcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs,Bad words and Violence.