Chapter 27

451 12 0
                                        

(Jasons Povs)
Simula nanaman. Nag babangayan nanaman si Jonas saka si Jiyo. Umagang umaga.

"Ikaw nang gigil na ako sayo"-Jonas

Sabay akmang sasakalin neto si Jiyo pero inawat ko siya.

"Wag mo ako makausap kausap diyan! Hinding hindi na kami babalik sa mansyon mo tulad ng sinabi mo. Sinabi mo yun diba?"-Jonas
"Nandito ako para hanapin si Marie"-Jiyo
"Eh bakit mo kinukuha mga gamit namin?"-Jonas

Di naman nakapag salita si Jiyo. Halata naman na gusto niya pabalikin kami sa mansyon niya lalo na si Jonas.

"Binabawi ko na yun"-Jiyo
"Desisyon namin kung babalik kami o hindi"-Jonas
"Di ko ibabalik mga gamit niyo sa inyo. Up lagay mo na yan sa kotse."-Jiyo
"Ang kapal mo naman--"-Jonas

Palabas palang si Up sa pinto ay kusa na ito bumukas at bumungad sa amin si Marie na hingal na hingal.

"Bakit ngayon ka lang?"-Jonas

Pumasok siya at serysong seryoso ang mukha niya.

"May kailangan kayo malaman. Please walang gagawa ng kahit anong masama"-marie

Napaatras naman si Up sa puwesto namin para alamin kung ano ang sasabihin ni Marie. Ilang beses pa siya makahinga ng malalim at kakaibang tumahimik ang dalawang toh na si Jonas saka Jiyo mula sa pag aaway.

"Pumasok kana"-marie

Sabay lingon niya sa pinto. Nag abang kami. Sino ang tinutukoy niya? Nakakatakot naman.

"Wag ka matakot"-marie

Nakita namin ang paa ng babaeng paparating. Hanggang sa tuluyan ng gumilid si marie at nakita namin ang kapatid ni ella na si mikey.

"Ikaw..."-Jonas

Agad namin pinigilan si Jonas bago pa ito sumugod. Pinatahimik siya ni Jiyo.

"Nandidito siya para sabihin kung nasaan ang mga larmiento"-marie

Halata sa mukha ni jonas ang inis at si Jiyo ay nagiging seryoso na at nawawalan na ng ekspresyon sa mukha. Halata ko sa kanila na parehas na silang galit sa mag kaibang paraan. Naku mukhang may mangyayaring hindi maganda at sabay pang nagalit ang dalawa.

"Ang mga larmiento na si hansel saka si mr.edgar larmiento. Nasa school sila"-mikey

Maski si marie ay nagulat sa sinabi ni mikey at napatingin din dito

"Tama sina seun saka dane"-Up

Tumahimik sa paligid.

"Lahat kayo pumunta sa gilid bukod sayo"-Jiyo

Sabay turo ni Jiyo kay mikey. Kinabahan naman kami ano naman kaya balak netong gawin ngayon.

Sinara ni Up ang pinto at tabi tabi kaming apat nila Jonas,Up at marie sa gilid.

"Ikaw. Lumapit ka sa akin at lumuhod ka"-Jiyo

Pag uutos neto kay mikey. Sa aming apat ay mukhang kami lang ni marie ang kinakabahan para kay mikey. Habang si Up at Jonas ay punong puno ng galit na tinitignan si Mikey. Bakit kasi ngayon lang siya nag pakita? Ayan tuloy mas lalong naiinis sa kaniya ang mga ito.

"Luhod"-Jiyo

Pag uulit neto nung nanginginig na lumapit sa kaniya si mikey.

"Wag mo akong--"-mikey
"LUHOD!"-Jiyo

Sigaw ni Jiyo na kinagulat namin ni marie.

"Lumuhod kana lang mikey"-marie

Pag uutos ni marie sa kaibigan. Lumuhod si mikey at nag umpisang tumulo ang luha dahilan para maawa ako.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now