Sa isang linggo Aria app lang ang nasa isip ko. Nung una akala ko joke lang yun pero it confuses me kasi parang familiar ang lugar na nasa background ng Aria App, feels like I was in that place before.
Yung feeling ng Dejavu? That's what I am feeling right now. Nararamdaman kong nakarating na ako doon pero hindi ko alam kung kalian. Memories?
Napailing nalang ako at dumiretso na sa kusina namin. Wala parin ang parents ko.
Ang rinig ko sa maid namin ay nandito lang naman daw sila sa Pilipinas, just doing some sort of business. Again.
"Manang? Andyan na po ba si Mr. Roales? May schedule kasi akong lessons sa kanya ngayon." Lumingon sa akin si Manang Heira saka ngumiti.
Nagtatanong ako kung nasaan ang teacher ko kasi karaniwan ay nandito na siya bago mag-alas nuebe, pero mag-aalas diyes na ay wala pa rin siya.
"Hindi siya makakarating iha, hindi niya ba nasabi sayo noong nakaraan?" Sagot sakin ni Manang habang inaayos sa hapag-kainan ang mga plato at kubyertos na gagamitin ko.
"Talaga po? So pwede po ba akong umalis muna saglit at mamasyal? I just want to go to the mall, gusto kong mag-unwind." Umupo na ako sa pwesto ko saka naghintay ng sagot ni Manang.
Gusto ko talagang pumunta sa mall. Nasa kwarto lang ako ng ilang araw, walang ginagawa kundi isipin ang app na yun. Siguro naman kung namasyal ako eh mawawala na sa isip ko yun.
Napatingin ulit sakin si Manang at ngumiti. "Pwede naman Iha, ilang beses ka nang pinipilit ng mga magulang mo na lumabas kahit minsan, ngayon mo lang ata naisipang lumabas sa lungga mo."
Tinanguan ko lang si Manang at nagsimula nang kumain.
I don't know but something is making me excited. Parang may bagay akong makikita na nagpapakaba sakin ngayon. Noon eh hindi naman ako ganito, I usually don't care kung lalabas kami ng bahay. Kadalasan eh hindi ako pumapayag dahil feeling ko madradrain ako sa labas.
Matapos kong kumain ay umakyat na agad ako sa kwarto ko para maghanda sa 'once in a blue moon na paglabas ko'. Shit! Naeexcite talaga ako, ano ba talagang meron sakin?
Bago ako pumasok sa cr at maligo ay nag-beep ang phone ko, senyales na mayroon akong notification.
Hinablot ko ang phone ko sa may night-stand sa tabi ng kama ko saka naka-kunot-noo akong tumigin sa screen.
'Notification from Aria,
Don't go out, it's too crowded at the mall, your body is still drained from the other day.'
Ano nanaman bang pakulo ito? Tsk, konti nalang talaga iisipin kong sinumpa ang app na to, feeling ko lahat ng bagay na gagawin ko ay meron siyang masasabi. At nagkakatotoo.
Kaya imbis na matuloy ang plano kong lumabas ngayon ay hindi ko nalang tinuloy.
Ayoko rin naman ng crowded na mall, mabilis akong mahilo at mawalan ng balance kapag masyadong marami ang tao.
Bumaba ulit ako ng kwarto at hinanap si Manang Heira sa may garden. She was busy watering the plants while talking to them. I don't find it weird tho, feeling ko nga eh mas nakakatulong pa yan sa pagpapalaki ng mga halaman kasi nga talagang malusog ang mga halaman dito.
"Manang Heira, hindi na ho ako tutuloy, nagbago na ang isip ko." Tumabi ako sa kanya at tinitigan ang mga halaman na kanina ay kausap niya. Hindi naman siya lumingon sakin at pinagpatuloy ang pagdidilig.
"Bakit hindi ka tumuloy iha?" Kahit hindi nakatingin si Manang ay alam kong naguguluhan siya sa mga ginagawa ko.
Napansin ko din na these past few days parang wala ako sa sarili.
BINABASA MO ANG
Aria Academy: School For Dark Mages
FantasyShe's not a queen, a goddess or a princess, She's not the strongest student nor the best, She does not hold the four elements, Her face is pale, and her blood is black, She's is not a zombie, or experimented, Wanna know her? Her identity is her bigg...