Chapter Twelve: Secrets

39 26 33
                                    

Nakatunganga ako sa kwarto ko at hinihintay na mag-8 AM. Kaninang alas syete pa kasi umalis sila Ember para pumasok.

Ngayong araw na ang official start ng klase ng Aria Academy, and yet, andito ako sa kwarto ko hinihintay ang pagdating ni Keon.

'Open the damn door Weia, asa labas na ako.' Rinig kong sabi sa isip ko.

Si Keon ba to? 'Keon?' Tanong ko kay Keon sa isip ko.

'Yeah it's me'

Tumayo naman ako at naglakad palabas ng dorm.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Keon na nakahalukipkip sa gilid non. Nang makita niya akong nasa labas na ay mataman niya akong tinignan.

He was wearing a round spectacle at maayos na nasuklay ang buhok niyang red na kadalasan ay magulo.

Natigil ako sa pagsuri sa kanya ng magsalita siya.

"Why are you wearing those?" turo niya sa suot ko.

Nalatingin naman ako sa suot ko. Black t-shirt at skinny jeans saka flats. What's wrong with my clothing?

"Anong mali dito?"

Napa-tsk naman siya at umiling. "Nothing."

Ang daming alam ng lalaking to, pati damit ko pinakikialaman, bakla talaga to.

Hinawakan niya ang pala-pulsohan ko at hinila ako. "Wag mo akong hilain." Inis na sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paghila sa akin. Tumigil lang siya sa paghila ng marating namin ang library.

"May pahila-hila pa, sa library lang naman pala. Kabisado ko na ang school, humingi ako ng mapa, wala ka kasing kwentang tour guide." May bahid ng inis ang boses ko at nakita ko ang pagsama ng tingin niya.

Pumasok na siya sa loob at sumama na ako. Nice walang tao, baka tumambay din ako dito para matulog.

Pumunta siya sa ibat-ibang section ng libro habang ako naman ay umupo na sa pangdalawahang mesa.

Seryoso ang mukha ni Keon habang dala-dala ang sandamakmak na libro. Magbabasa ba kami? I think this is going to be fun!

Maingat niyang nilapag ang halos sampung makakapal na libro at umupo sa upuan sa harap ko. "Lets talk about Aria first."

Tinanguan ko siya at hinintay ang sasabihin niya.

"Get the 'History of Aria' and I'll tell you my knowledge at kapag namali ako correct me." Tinuro niya ang medyo makapal na libro at sinunod ko naman siya. This Keon infront of me is a nerd! A handsome nerd.

Binuklat ko ang libro at binasa ang unang page na nasa libro. The truth about Aria

"Preion consists of 4 different places. Aria, Stoicheio, Aletheia, and Dexion. Sa Preion, may sinusunod na Pyramid. Arianians are on top, Stocheio and Aletheia follows then nasa bottom part ang Dexion. Aria is bigger and more modernised than the other. Kaya Aria ang center ng Preion. Magkakalayo ang mga lugar dito sa Preion, para siyang ibat-ibang bansa at kontinente ang Preion."

Inayos niya ang spectacles niya at tumingin sa akin. "Aria is the most feared place here in Preion. Despite the beautiful place and high quality education. Aria is feared because the Magus of the people here are dark. Meaning we are dark mages. We hold the magus from the evil." seryoso niyang sabi. Sinundan ko ang mga salitang sinasabi niya at eksakto lahat. Memorized ba niya ang buong libro?

" We hold the Magus of the Evil?" tanong ko.

Tumango naman siya." Just like mine, I hold the Blood Magic, Eidos holds the Death Magic, Leiyaji holds the Needle Magic, Ember holds the Voodoo Manipulation and Reiv holds the Shadow Magic. Soon, makikita na rin natin ang Magus mo, and a hundred percent your Magus is evil."

Aria Academy: School For Dark MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon