Chapter Ten: Kapatid

32 29 57
                                    

Bumagsak ako sa isang matigas na sahig at nakarinig ako ng mahinang daing.

"Damn." Mahinant sabi ng nadaganan kong matigas na bagay.

"Uhh, Weia, wala ka bang planong tumayo? Masarap ba sa feeling?" Nang-aasar na sabi ni Ember.

Napatingin ako sa matigas na bagay at nakita kong si Keon.

Agad naman akong nawalan ng dugo sa mukha. Hinila ako patayo ni Eidos at inirapan si Keon. Inirapan din siya ni Keon at tumayo saka pinagpagan ang damit niya.

"Bakit sa CR Shane?" Iritableng sabi ni Keon at inilibot ang paningin niya sa buong lugar.

Shane pouted. "Eh kasi sabi niyo yung konti lang ang tao. Saka malapit lang to sa bahay ni Mage Heira, kung tama yung inabot mong mapa kanina."

Binuksan ni Eidos ang pinto ng CR at hinawakan niya ang isang kamay ko saka ako hinila palabas.

Gulat na gulat yung nagbabantay ng CR nang makalabas kami." A-anong ginawa niyo sa loob? " Malisyosong tanong niya. Tss, mali ang iniisip nito, hindi ba niya nakita yung mga bag na dala namin?

Sunod-sunod na lumabas ang mga kasama ko at napalitan ng galit ang mukha niya. "Paano kayo nakapasok?! Hindi kayo nagbayad ha!"

Ngumiti naman si Eidos sa kanya. "Look, we're sorry. Eto yung bayad." Naglapag siya ng isang libo sa mesa ng nagbabantay.

Umawang ang bibig ng nagbabantay sa perang ibinigay ni Keon. Sino ba namant hindi magugulat?

Umalis na kami at sinundan si Keon, may hawak siyang mapa at tatahakin ata namin ang bundok.

Habang naglalakad ay kami ni Eidos ang nasa dulo. Ang gaan ng loob ko sa kanya, para ko na siyang kapatid.

"Eidos, bakit pala kayo nasa mall nung araw na nagkakilala tayo?"

Liningon naman niya ako. "Kakatapos lang namin sa mission."

"Mission ng SWEN?" Tanong ko ulit. Tumango naman siya.

"Pero bakit wala si Leiyaji at si Keon?" sunod na tanong ko.

"Hindi sila sumama papunta sa mall, si Keon mas gustong mag-aral, si Lei naman bumalik agad sa Aria kasi pinapatawag na siya ng mga magulang niya." Litanya niya.

"Magkakasama talaga kayong SWEN sa lahat ng misyon. Pero bakit may misyon kayo ng bakasyon sa klase?"

"Special Mission. Kami ang pinapadala ng Council kapag ayaw nilang trabahuhin. Katulad nalang ngayon, sa atin pinasa ang trabaho nila psh.  Saad ni Eidos. Napatango-tango naman ako.

Kung SWEN lang ang kasali sa special mission,  "Bakit kasama ako ngayon?" Nagtatakang tanong ko.

"Nirequest daw ni Keon, para daw mas mapadali ang pagtuturo niya sayo." He said flatly. Bakit parang galit siya?

'Landian pa. Tss' Sabi ng boses sa utak ko. Hindi ko naman masagot dahil hindi ko alam kung sino ang kumakausap sakin sa link.

-

Pagod na pagod na umupo si Ember sa isang malaking bato." Teka lang! Pagod na ako!" Hinhingal na sambit niya.

Medyo matagal-tagal na kasi kaming naglalakad, magdidilim na ang kalangitan hindi pa rin kami nakakarating.

"You want me to carry you?" Nag-aalalang sabi ni Keon. He's sweet to his sister.

Hindi pa naman pumapayag si Ember ay nagsquat si Keon at ready nang buhatin si Ember. Piggy-back ride.

"Ang sweet na kuya!" Nang-aasar na sabi ni Reiv sa kanya.

"Sweet kaya siya sa lahat." Natatawang sabi ni Ember kay Reiv at kumapit kay Keon.

Aria Academy: School For Dark MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon