Matapos akong ilibot kuno ni Keon ay inihatid na niya ako sa dorm namin.
At walang imik siyang umalis.
Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nag-aayos si Ember ng kurtina. Tumingin siya sakin saglit at parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi.
Matapos niyang ayusin ang kurtina ay humarap siya sakin. "Ang harsh ni Kuya sa'yo. Hindi naman siya ganon eh. Actually mabait siyang tao."
"Sanay na ako." Maikling sabi ko. Umupo naman ako at hinilot ang ulo ko. Nanakit nanaman kasi. Hindi ko alam kung bakit pero nananakit ang ulo ko, may mga blurry images na nagflaflash pero hindi ko maaninag. Damn.
"Masama ba pakiramdam mo? Tara sa kwarto mo, magpahinga ka na." Malumanay niyang sabi. I smiled, she's so caring.
"Oh my god! Ngumiti ka!!" Nagsisigaw siya kaya napawi ang ngiti ko, masakit sa tenga ang pagtili niya. Mas dumadami ang blurry na vision at nakakahilo na.
Nagpatuloy lang ako sa paghilot sa sentido ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa sigaw niya. "I'm a human, I smile. Asan ang kwarto ko?" Nahihirapan kong sabi, sobrang sakit ng ulo ko.
"Yung gray na pinto, yun na lang kasi ang bakante. The red door is Shane's and the white door is Leiyaji's room. Nasa second floor yung kwarto mo." Tinanguan ko nalang siya at naglakad papunta sa kwarto ko. Damn, ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak.
Okay pa naman ako kanina nang hinatid ako ni Keon, hindi ko lang alam kung bakit biglang sumakit ang ulo ko.
Nang makita ko ang kwarto ko ay pumasok na ako don at agad na nahiga sa kama, di kalaunan ay nakatulog na ako.
-
Nagising ako kinabukasan ng may nagsisigawan at nagtatawanan. Tumagilid naman ako ng pwesto at nagtalukbong ng unan sa tenga ko. Umagang-umaga nag-iingay sila.
"WAAAAAAAAAH! HOY EMBER!" Malakas na sigaw sa labas. Wala na akong nagawa kundi mag-ayos ng sarili tapos lumabas.
Pinusod ko ang basa kong buhok para hindi sagabal. Nang matapos ako ay nakasimangot at iritableng naglakad pababa. Sira na agad araw ko.
"Ang ingay." Mahina kong sabi saka bumaba ng hagdan. Pagbaba ko ng hagdan ay nakakita ako ng sobrang gulong bahay. May mga nagkalat na damit, may mga icing na nailagay sa pader, parang dinaanan ng bagyo.
"Ember anong nangyari dito?" Naksasimangot kong tanong ko kay Ember na may hawak na pie at ibabato sana sa short hair. Si Shane. Yung blonde naman na si Leiyaji ay nasa isang sulok, nagbabasa, parang walang pakialam sa mundo. Buti pa siya matino.
Ibinaba naman niya ang hawak niyang pie at nahihiyang ngumiti. "Ah, naglalaro lang kami ni Shane, kakarating lang nila eh."
Si Shane ay ngumiti sakin habang si Leiyaji ay tumingin lang sakin saglit saka nagbasa ulit.
"HI! AKO NGA PALA SI SHANE FORTRES! MY POWER IS CONJURATION! NICE TO MEET YOU!" Malakas na sabi niya, ang tinis-tinis ng boses niya.
Siya pala yung sigaw ng sigaw kanina. Para siyang nakamegaphone sa sobrang lakas ng boses niya. She's so small yet her voice is so loud.
Pinalo siya ni Ember sa balikat. "Hoy mahiya ka naman, nagbabasa si Lei tapos sisigaw ka? Ang lapit-lapit ni Weia oh, sisigaw ka?"
Nagpout lang si Shane at inirapan si Ember. "Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya sakin.
Binatukan siya ni Ember. "Weia Wesley nga diba? Kulit! Sinabi ko na nga sayo."
Binatukan din niya si Ember. "Syempre para mas maayos naman yung pagkakakilala namin. Bakit ikaw siya? Ikaw siya?" Mataray na sabi niya kay Ember.
BINABASA MO ANG
Aria Academy: School For Dark Mages
FantasyShe's not a queen, a goddess or a princess, She's not the strongest student nor the best, She does not hold the four elements, Her face is pale, and her blood is black, She's is not a zombie, or experimented, Wanna know her? Her identity is her bigg...