Gulat na gulat ako ng mabuksan ko ang pintuan ng kwarto. May kasama ako at hindi lang yon, siya yung babaeng kasama nila Eidos dati. Siya yung red-haired na nagsabing weird ako. Siya, si Eidos, isang lalaking black ang buhok at isang babaeng blonde apat sila dati sa mall eh.
"I-ikaw?!" Malakas na sabi niya. Nang pumasok kasi ako ay nag-aayos siya ng gamit niya.
"Uhm.....ako? Ikaw yung nakita ko sa mall."
Nagtatatalon naman siya at niyakap ako. "OMG!!! Welcome to Aria Academy! Sabi na nga ba! Isa kang Arianian!"
Inalis ko naman ang pagkakayakap niya sakin. "Arianian?" Tanong ko.
Sumimangot naman siya. "Hay nako si Kuya hindi ginagawa yung trabaho niya. Arianian yung tawag sa mga taga Aria. Tawag satin." Inakay niya ako paupo sa sofa dahil kanina pa ako nakatayo.
"By the way, Ember Moore, kapatid ko si Keon, kakambal actually." Inilahad niya ang kamay niya. Kaya pala pareho silang red ang buhok. At madaldal.
Wala na bang ibang gagawin ang tao kundi maglahad ng kamay at magpakilala?
Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. "Weia Wesley, powerless." Walang emosyong sabi ko.
"I-isa kang W-Wesley?" Nauutal na sabi niya. What's with my surname? Nung unang narinig ni Eidos ang apelyido ganyan rin ang reaction niya.
"My power is Voodoo manipulation. So anong power mo?" Excited na sabi niya. Sinabi ko na kanina, wala, di ba siya nakikinig?
Bumagsak naman ang balikat ko. "Wala akong kapangyarihan." Tumingin ako sa kanya. "Voodoo manipulation? Mangkukulam ka?"
Napatawa naman siya ng malakas. "Hindi no. Gusto mo gamitin ko sayo?" Natatawang sabi niya.
Napalunok ako. Ayoko ngang nakokontrol eh. "No thanks." Tumikhim ako. "By the way, dalawa lang ba tayo sa dorm? Malaki masyado to."
Inilibot ko ang paningin ko. Parang bahay na nga to eh, may second floor pa, ewan ko kung paano nagkakasya to sa maliit na building ng Aria Academy, some sort of magic I guess?
"Actually, apat tayo dito. Wala pa yung dalawa. Baka bukas. Naalala mo yung babaeng kasama na rin namin? Yung blonde ang buhok? Kasama natin siya, she is Leiyaji Stoir. At yung isa naman ay si Shane Fotres. Short hair." Why is she telling me their apperances?
"Sinasabi ko sayo yung itsura nila kasi ayaw na ayaw ni Lei na nag-iintroduce, mahiyain kasi at si Shane naman, magulo kausap kaya sinabi ko na sayo yung pangalan nila." Napatango naman ako.
She can read minds?
Ang daldal niya, pareho sila ni Keon. Yun lang at mas maayos kausap si Ember kaysa sa kapatid niyang magulo kausap at masungit.
Pinagmasdan ko ulit ang dorm, wooden ang buong kwarto, may second floor at may dalawang pinto sa baba, siguro kwarto. Sa kabilang gilid ay simpleng kusina at itong living room. Mukha talaga tong bahay.
"Hindi ka ba palasalita, napapanis na laway ko dito oh." Kapagkuwan ay sabi niya.
"Did I made you uncomfortable?" Tanong ko sa kanya. Nakonsensya naman ako, na-aawkwardan na ata siya sakin.
"Hindi naman." She smiled. "Ako nalang ang magsasabi sayo ng rules. Then little background sa Aria."
Pumayag naman ako. Pabor na din sakin to, less talk with Keon. Edi hindi ko makikita yung pagmumukha niyang nakakairita. Bakit nga ba ako naiirita sa kanya?
"Golden rule ng Aria Academy, no using of Magus. Kaya nga may logo lahat ng damit natin para matrack nang teachers kung may gumagamit ng Magus." So, hindi naman pala niya ako magagamitan ng Magus niya kanina, niloloko niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Aria Academy: School For Dark Mages
FantasyShe's not a queen, a goddess or a princess, She's not the strongest student nor the best, She does not hold the four elements, Her face is pale, and her blood is black, She's is not a zombie, or experimented, Wanna know her? Her identity is her bigg...