Chapter Seven: Aria Academy

51 37 75
                                    

May naramdaman akong marahang pagyugyog sakin. "Wake up Weia."

I just groaned at tumagilid. Inaantok pa ako. "Weia Wesley, gigising ka o bubuhusan kita." Agad akong napabangon nang marinig ko ang seryosong boses ni Mama. Halos hindi pa nakamulat ang mga mata ko nang mabilis akong naglakad papuntang banyo. 

I don't dare to defy my mother's orders because she can totally do it. At dahil nga kakagising ko lang, ilang beses akong nauntog sa pader bago nakaligo ng maayos at mahimasmasan.

Napakahimbing nang tulog ko nang kianrga ako ni Eidos pero alam kong siya ang naglapag sa akin sa kama ko. And that is my question, wala ang parents ko nang dumating kami pero kabisado niya na ang kwarto ko. How did he knew where my room is?

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa kwarto ko. "Miss Weia, bumaba na raw ho kayo at pupunta kayong Academya." Boses iyon ng isa sa mga taga-silbi.

Akademya? Does that mean, mag-aaral na ako sa totoong paaralan? I felt excited as I went downstairs. Naabutan ko si Mama at si Papa na nag-uusap. 

"Anong pinag-uusapan niyo ma?" I broke their conversation. Napatingin lang sila sakin saka ngumiti si Mama. 

"Pinag-uusapan lang namin kung magdodorm ka ba sa school or dito ka uuwi. What do you prefer? You'll be studying at Aria Academy." 

"Dorm nalang ma. Besides, sabi niyo kailangan kong malaman ang mga sagot nang ako lang, kaya don nalang ako mags-stay. Kung ano man yang academy na yan." 

I want to experience life. Yung walang kumocontrol yung walang nagdidikta kung anong gagawin mo. Yung nagagawa mo kung anong gusto mo. I want that life, I want freedom.

Sumunod na ako sa kanila at humarap sa hapag-kainan. Napatigin ako sa platong pumupuno sa lamesa. Walang upuang naiwan, lahat ay may plato at kutsara. Walang nagbago sa pakikitungo nila sa mga taga-silbi. Pinasasabay parin nila Mama ang mga maid kapag kakain.

Si Papa ay umupo sa kabisera habang si mama ay sa kanan niya at sa kaliwa ako umupo. 

"Weia" Tawag sakin ni Papa " wala ka bang gustong tanungin? Yung mga madadaling tanong, na kaya kong sagutin." Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. 

"Uhm, may powers ba lahat dito?" Nagdadalawang isip kong tanong. I want to ask common-sensed questions para naman hindi ako magmukhang ignorante sa academy.

Kumagat si Papa sa toasted bread bago sumagot. "To answer your questions yes. Lahat ng nandito ay may mahika." Pero bakit ako? Wala akong kapangyarihan.

"Can I know your power pa? Pati narin kay mama." I have a feeling, na may kaugnayan ang kapangyarihan ko sa kanila, kung meron man akong kapangyarihan.

Tumingin si Papa kay Mama, parang nagtatanong kung dapat ba niyang sagutin o hindi. "My power is healing, and your father's power is Enchanting." Si mama ang sumagot. Napatango naman ako. Nakakagamot si Mama that explains nung sumakit ang ulo ko, but my father's power is making me confuse. Hindi ko pa nakikita, Enchanting, is that powerful?

"And if you're wondering why you don't have powers, late bloomer ka lang. Dadadting din yan." Dagdag ni Dad. So there's nothing to worry. Hindi na ako nagsalita at kumain na.

Nakakapagtaka lang, yung mga pinakain sakin ni Eidos kahapon mga nakakasukang bagay. Pero yung mga pagkain dito sa bahay namin, hindi naman, I wanna kill him. 

"Weia anak, bakit nakasimangot ka? Parang may plinaplano kang patayin." Saway sakin ni Mama. 

"Wala naman po ma, si Eidos po kasi, pinakain ako ng mga weird na pagkain kahapon."

Aria Academy: School For Dark MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon