Chapter Six: Weird World, Food Trip

43 38 75
                                    

A/N: BEFORE YOU READ THIS CHAPTER SANA HINDI KAYO MASYADONG SENSITIVE SA FOODS. HEHE. SPECIALLY GUMMY WORMS. LOVELOTS.

*****

"Bago tayo mamasyal, I just want to ask, hindi ito normalna mundo no?" Tanong ko kay Eidos habang naglalakad kami papalayo sa bahay.

"Akala ko hindi mo na tatanungin, tama ka, this world is far way different from human's world."

"Anong ibig mong sabihin?" Usisa ko ulit. May hula na ako, pero kailangan kong kumpirmahin kung tama ang hula ko.

"Nandito ka sa mundo ng mahika nasa Preion ka. Aria to be exact. " So tama nga ang hinala ko, that app has something to do with this place.

Nabanggit niya sakin dati na taga Preion siya, so hindi siya nagsisinungaling, pero anong ginagawa nila sa mall dati kung nakatira? I want to ask him, so I did "So parte ng Preion ang Aria? Why do I have that stupid App by the way?" Pero iba ang natanong ko. Nakakahiya naman magtanong kung hindi naman kami close.

"What app? Aria App?" Mag pagtataka sa boses niya. 

Tumango naman ako. "Nagulat ako kasi nung nakaraang araw, biglang may sumulpot na app at binibigyan ako ng babala sa kung ano-anong bagay. Mana and such." 

Nagulat naman siya sa sagot ko at bahagyang tumigil sa paglalakad pero kalaunan ay nakabawi rin siya at naglakad ulit. "Aria App is for SWEN students. Wag mo nang isipin yun, wag mong biglain ang sarili mo sa mundong to. Saka ko na sasagutin yung mga tanong mo sa susunod na araw. Pasyal na tayo?"

"Yeah."

Tama nga naman siya, wag ko munang bibiglain ang sarili ko, I need to adjust. Saka ko na itatanong sa kanya ang mga tanong na dapat sinasagot ng mga magulang ko. Like do I have some sort of powers? Bakit nila ako nilayo sa mundong to? Bakit nila kilala si Eidos? Bakit nila kinuha ang phone ko? May tinatago ba sila sa phone ko? So many questions pero wag muna ngayon, mamamasyal muna kami.

Una akong dinala ni Eidos sa sentro ng Aria. Sa entrance palang ng sentro ay may mga nagtitinda na. Kung sa real world, para itong bangketa at ang malaking gusali sa likod ay ang mall. 

Sa mall ako unang dinala ni Eidos. At syempre kung dadaan kami sa mall, madadaanan naming ang mga maliliit na tindahan. May nagtitinda ng ibat-ibang accessories, mga pagkain, street foods ata. Meron ring nagtitinda ng mga bagay na ngayon ko lang nakitang ititinda ng mga tindero o tindera. Some are selling ogre's hair, nails of some damn dragon and many gross things. Weird things! Para kaming nasa black market, people are looking at me weirdly. Weird people, weird world. Naalala ko tuloy yung tatlong kasama ni Eidos dati sa mall, I bet taga dito din sila.

Maraming pinagkaiba ang mundong to, sa mundo ng mga tao, wala pa akong nakikitang nagtitinda ng ganito don. Ngayon lang, at natutuwa ako.

Nang makarating kami sa mall ay tinanong ako ni Eidos. "Saan mo gustong pumunta na shop?"

At dahil nahihiya ako ay hindi ko alam ang isasagot ko. Pero nagugutom na kasi ako. Kanina pa ako hindi kumakain dahil sa byahe. "Uhm, kahit saan nalang."

Tumango siya at ready na sana akong dalhin sa isang tindahan ng mga damit nang biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Damn!

Tinawanan niya ako saka hinila papunta sa food court, "Kung sinabi mo sanang gutom ka, edi dinala kita dito."

"Sit for a while. Ako muna ang oorder. At kung may lumapit sayo, wag mong kausapin, hindi ka pa sanay sa mundong to." I just nodded at pinanood siyang pumunta sa isang stall at umorder. Gentleman.

While I was waiting for Eidos to come back. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang marami ang nakatingin sakin. Hindi lang iyon, some are whispering, sending glares and dangerous looks. I just shrugged it off. Wala namang mangyayari sa mga masamang tingin nila, looks can't kill. 

Aria Academy: School For Dark MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon