"Ember, lalabas lang ako." Paalam ko kay Ember at nagjacket.
Inilibot kasi niya ako kanina, at may nakita akong magandang tambayan. Binabagabag pa din kasi ako ng batang si Pristine.
Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Bumalik ka before curfew ha? Linalatigo kasi ni Sir Kick ang mga rule breakers. " Paalala niya.
Tumango naman ako at lumabas na ng dorm. Babalik din ako bago mag nine.
Its my third day at Aria Academy, pero hindi pa ako nakakapamasyal mag-isa. My third day in the Academy, pero hindi ko pa rin ramdam na nasa isang school talaga ako at nag-aaral.
I study with a jerk, and his name is Keon.
Oh right may physical training kami bukas. If I remember it right, tinuruan din naman ako dati ni Mama ng archery at kay papa naman ay physical combat.
Dati nagtataka ako pero ngayon, alam ko na.
Nakapamulsa akong naglakad sa tahimik na grounds ng Aria Academy.
Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa fountain na nadaanan namin ni Ember kanina nang naglibot kami.
Inalis ko ang jacket ko at inilatag sa damuhan. Ginawa kong higaan ang jacket saka tumingala sa langit.
Pristine, who are you? Bakit kita nakita sa panaginip ko, kung panaginip man yon.
I don't want to think this, pero parang cliché movies or books ba ito na ikaw at ako ay iisa?
Hindi naman siguro, if you're Weia and I'm Pristine, bakit hindi tayo magkahawig?
Napaigtad ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko.
"What are you doing here?" Napalingo ako sa pinaggalingan ng boses.
"Nothing. May iniisip lang ako. Ikaw Leiyaji, why are you here?" Tanong ko pabalik.
Nag-indian sit naman siya sa tabi ko. "You can call me Lei. Mahaba masyado ang Leiyaji. Same with you, may iniisip lang ako." Bumuntong hininga siya.
I guess pareho kaming may malalim na iniisip.
Nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita. Akala ko kaso, hindi palasalita si Leiyaji. "You know, nang dumating ka, ang daming nagbago." Panimula niya.
Anong nagbago?
"Parang nagkapalit ng ugali si Keon at si Dos. Keon was funny, siya ang kasama ni Reiv sa kalokohan at pambababae. Imagine within three days na nandito ka, maraming nagbago." Napaupo naman ako at tumingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Bumabalik ang Keon nine years ago." She looked at me directly. "Ibinalik mo ang Keon na kinalimutan namin nine years ago."
Nine years ago, what happened nine years ago? Damn.
Hindi ako nagsalita at naghintay sa sasabihin niya. "Bakit mo binalik ang demonyong Keon? You're not even Pristine, bakit mo siya binalik?"
Napakunot agad ako ng noo. Pristine. Who the hell is that girl?
"Anong nangyari nine years ago?" Curious na tanong ko. Baka may detalye siyanh alam tungkol sa batang si Pristine.
"Ten years ago, na-abduct si Pristine. Sinundan yon ng nawala ang parents niya at inilayo. Then after a month, umalis ng bigla-bigla ang nanay ni Keon hanggang sa dumating nalang ang balitang patay na siya." Mahabang sabi niya.
"Nawala ang dalawang babae sa buhay ni Keon. His mom and Pristine." Dagdag ni Leiyaji.
"Who's Pristine?" Maikling tanong ko.
BINABASA MO ANG
Aria Academy: School For Dark Mages
FantasíaShe's not a queen, a goddess or a princess, She's not the strongest student nor the best, She does not hold the four elements, Her face is pale, and her blood is black, She's is not a zombie, or experimented, Wanna know her? Her identity is her bigg...