Maaga akong nagising since weekend naman ngayon.
Tutuloy ko nalang yung naudlot na gala ko kahapon. I suddenly missed my parents.
I sighed many times before I decided to call them.
I opened my phone at medyo gulat dahil wala atang notification ngayon ang pesteng app?
Sinawalang-bahala ko nalang yun at dinial na ang cellphone number ng magulang ko.
Napakunot-noo ako nang wala pang isang segundo ay nagpatay agad ang tawag.
Lagi nalang ganito, tuwing aalis ang mga parents ko ay hindi ko sila macontact. I feel like they're too far that they don't even tried to contact me. Sa mag-iisang week na silang wala pero wala akong natanggap ni isang message.
I smiled, maybe they're just busy. Tama, busy lang sila.
Naligo na ako at nag-ayos para makapunta na ako sa mall. 9 am palang ng umaga kaya wala pa atang maraming tao ngayon. Besides it's a weekday, everyone is busy with their studies or work.
For me, wala naman si Mr. Roales, wala ulit siya kaya wala akong gagawin dito sa bahay.
Nagsuot nalang ako ng simpleng longsleeve at pantalon, wala naman akong gagawin don, bibili kung may magugustuhan ako at kung wala eh malas ko nalang.
Matapos kong magpaalam kay Manang Heira ay nagpahatid na ako sa driver papunta sa pinakamalapit na mall. Whenever my parents are not around, they were my family, no scratch that, even if my parents are here, I treated them as my family because they treat me as one too.
"Miss Weia, andito na po tayo, anong oras ko po kayo susunduin?" Magalang na tanong sakin ng driver. Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing hindi ako magpapasudo. Hindi naman na ako bata para ihatid sundo, it's not like mawawala ako.
Lumabas na ako ng kotse at dumiretso sa mall. Luminga-linga ako sa paligid ng nakakita ako ng mga taong kakaiba.
Tatlo lang naman sila pero hindi ko maiwasang mapansin ang mga tingin nila.
Hindi naman sa pagiging judgemental pero yung mga tingin kasi nila sa akin ay parang isa akong research subject at sila ang mga scientist. Ngumiwi lang ako sa kanila bago umalis sa kanilang harapan.
Bago pa man ako makaalis ay narinig kong sabi ng isang red-haired na babae, "Is she one of us? I can feel her energy from here weird."
'She's weirder' I thought.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok sa isang bookstore. Hindi naman marami ang tao kaya wala na akong naging problema. Besides kailangan ko ng mababasa, natapos ko na lahat ng libro sa bahay at wala na akong mabasa. Hilig ko kasing magbasa.
Naghahanap ako ng mga librong matitipuhan ko hanggang sa nakarating ako sa pinakadulong parte ng bookstore kung saan ay walang katao-tao. Masyadong siyang isolated ang lugar, Fantasy Section. Wala bang tao ang may gusto sa genre na to? I haven't tried this genre yet, madalas kasi ay mystery/thriller ang kinukuha kong libro.
Nagkibit-balikat nalang ako sa dumiretso sa shelf na nasa dulo. Wala naman sigurong masama kung ita-try ko ang Fantasy right?
Malapit na ako sa dulo ng shelves nang may nakita akong lalaking natutulog. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "F uck!" bulong nito at sinamaan ako ng tingin.
"Miss you're disturbing my sleep." Nakasimangot niyang sabi, nagroll eyes naman ako at hindi siya pinansin, hindi siya kapansin-pansin.
Hindi naman to tulugan ng mga tao eh, bilihan to ng libro at hindi hotel.
BINABASA MO ANG
Aria Academy: School For Dark Mages
FantasyShe's not a queen, a goddess or a princess, She's not the strongest student nor the best, She does not hold the four elements, Her face is pale, and her blood is black, She's is not a zombie, or experimented, Wanna know her? Her identity is her bigg...