Madilim pa ng naging ako. Dahan-dahn kong inalis ang pagkakayakap sa akim ni Eidos para naman makalabas ako.
Ayoko namang gisingin siya para may kasama akong lumabas.
Maingat at tahimik akong lumabas ng bahay para magpahangin. Ako lang naman ata ang gising sa ngayon.
Bumalik ako sa pond sa likod ng bahay at nag-indian sit sa gilid non.
Gusto kong makapag-isip ng maayos para sa akin kasi ay masyadong mabilis ang pangyayari. Isang araw, dinala nalang ako nila papa sa Aria, nakilala ko sila Eidos at iba pang SWEN. This feels like a dream.
Masyadong mabilis para sa akin ang pangyayari. Para bang nagising ako at dinala nalang ako sa Aria at hinayaang kilalanin ang sarili.
"Anong ginagawa mo dito sa labas Weia?" Napaigtad ako ng may narinig akong boses sa likod ko.
Tumingin naman ako at nakita ang isang babaeng halos kaedad nila papa.
"Sino ka? Bakit mo ako kilala?" Walang emosyong sabi ko sa kanya. Mahirap na at baka masamang loob to wala pa naman akong kspangyarihan at kakayanan na ipagtanggol ang sarili ko.
"Weia iha, nagpalit lang ako ng anyo nakalimutan mo na ako. Hindi ba dapat ay Manang Heira ang tawag mo sa akin? At akala ko ba hinahanap niyo si Mage Heira, nasa harap mo na. " Nakangiting sabi niya.
Nagdadalawang isip naman ako at nagdududa siyang tinignan. "Malay ko ba kung sino ka."
Lumapit naman siya sa akin at pinalo ang kamay ko. "Ikaw na bata ka! Umalis ka lang papuntang Aria ay nakalimutan mo na ang mga tinuro ko!"
Nakapamewang siya sa harap ko. "Ikaw na bata ka, hindi kitw tinuruang maging bastos ha!"
"Ikaw ba talaga yan manang Heira?" Tanong ko sa kanya at sinangga ang mga hampas na ibinibigay niya.
"Bakit ang bata niyo tignan?" tanong ko ulit.
"Ito ang totoo kong itsura, gumamit ako ng potion para patandain ang mukha ko." Tumigil na siya sa paghampas.
"Manang Heira, nahihirapan na ako dito. Mas malala pa ako sa nawalan ng alaala." Mapait akong ngumiti.
"Weia..."
"Yung ibang tao mas marami pa ang alam sa akin kaysa sa sarili ko. Katulad ninyo, alam kong maraming kayong alam sa akin."
"Marami akong alam Weia, pero hindi ko alam ang lahat." Naawa siyang tumingin sa akin.
"Sabihin niyo naman kung ano yung alam niyo oh, mamamatay na ako kakaisip sa buo kong pagkatao." Pagsusumamo ko sa kanya.
"Hindi ka na mamamatay. Hindi pwede, mas mapapalala non ang sitwasyon." Mataman niya akong tinignan.
Marahas akong napabuga ng hangin. "Lagi nalang hindi pwede, bakit hindi pwede?"
Nagdadalawang-isip si Manang Heira or should I say Mage Heira. "Sa tingin ko naman ay may karapatan kang malaman ito. Dahil sa isang pangyayari na hindi ko alam, umalis ang mga magulang mo sa Aria. At nabanggit sa akin ng mga magulang mo bago sila umalis na hiniling ng council na wag nang sabihin sayo sng buo mong pagkatao."
Napakuyom ang kamao ko. Kaya pala ayaw nilang sabihin, dahil utos ng Council.
" Wala bang ibang paraan Mage Heira?"
Napaisip naman siya at may kinapa sa bulsa niya. Dalawang maliit na bote at may lamang likido na magkaiba ang kulay.
"Kunin mo ang may lamang pulang likido. May kakayanan ang potion na yan na ibalik ang memorya mo." Inabot niya sa akin ang bote na naglalaman ng pulang likido.
BINABASA MO ANG
Aria Academy: School For Dark Mages
FantasíaShe's not a queen, a goddess or a princess, She's not the strongest student nor the best, She does not hold the four elements, Her face is pale, and her blood is black, She's is not a zombie, or experimented, Wanna know her? Her identity is her bigg...