Chapter Fourteen: Hell Day

40 25 39
                                    

Natulala ako ng biglaan akong batuhin ni Keon ng dagger pagkapasok ko ng training room.

"Hey that was unfair! Hindi pa ako ready!" Sigaw ko sa kanya.

"If I am the enemy, sasabihin ko ba na aatake na ako? No. So bear with it." Malamig na sabi niya.

Suddenly may mga blades naman na bumubulusok papunta sa akin.

Mabilis kong inilagan isa-isa at sa kasamaang palad, may tatlo na hindi ko naiiwasan at tumama ng sunod-sunod sa pisngi ko.

"Focus Weia! Dumudugo na ang pisngi mo!" Sigaw ni Keon at naghanda nanaman sa pag-atake.

Hindi ko pinansin ang pagdurugo ng pisngi ko at humablot ng isang sword.

Lumapit ako sa kanya at winasiwas ang sword. Kumuha naman siya ng sword at sinalubong ako.

Malakas na pagkalansing ng metal ang narinig ng winasiwas ko sa kanya ang espada at sinangga niya iyon gamit ang espada niya din.

Mabilis ako umatras, I need to rest. Damn, pagod na ako sa kakailag.

Itinusok ko ang espada sa sahig saka tinukod dito ang kamay ko.

Mabilis ang paghinga ko at butil-butil ang pawis ko.

I just remembered my dream. Ganito akong nagisiny, butil-butil ang pawis at hinihingal. Why?

Ang dami ko pang prinoproblema ang 250 Whips mamaya, ang batang si Pristine and my dreams.

Hindi ngayon ang oras para isipin yan Weia! Damn mapapatay ka ni Keon.

May naramdaman akong pumunta sa likod ko at may dagger na nakatutok sa leeg ko.

"Game over Weia. Walang pahinga. Masyado kang pre-occupied, now you lose." Bumulong siya sa tenga ko.

Para kaming magkayakap dahil ang kamay niya ay nakapulupot sa balikat ko at nakatututok ang dagger sa leeg ko.

Siniko ko naman ang tagiliran niya kaya napaluwagan ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin.

Kinuha ko ang opportunity ng pagkakagulat niya at sinipa siya. Dahilan upang mapahiga siya sa sahig.

Mabilis kong itinutok ang matalim na dulo ng espada sa leeg niya at tinignan siya.

"Stop playing unfair, puro ka patalikod lumaban." Hinihingal kong sambit.

Ang gandang warm-up. Napakaganda, wala na agad ang energy ko, warm-up palang.

Inalis ko na ang pagkakatutok sa kanya at humiga sa sahig ng training room. I'm Weia, I should be okay.

Walang-wala ito sa training na ginawa sa akin ni Dad.

"You fight damn well. Sinong nagturo sayo?" Hinihingal na sabi ni Keon habang nakatingala kami pareho sa blankong kisame ng training room.

"When I was eleven years old, sinabi ko kay dad na gusto kong maging sundalo, at pinilit ko siyang itrain ako. Hindi ko alam na ganon pala siya magtraining, it was hard asf." Pagkwekwento ko.

Totoo ang sinasabi ko, my dad trained me. Physical combat siya ang kalaban ko, at hindi daw matatapos ang one-on-one namin hanggat hindi ko siya natatalo.

Next was the weapons, don ako medyo mahina. I really hate weapons, mas gusto ko ang physical combat kaya don ako nagfocus.

After how many years,, yung hardwork ni Dad ay nagbunga, I defeted him in both physical combat and weapon combat.

"That's why you fight well." Umupo siya at tumingin sa mukha ko. "Dumudugo padin ang cheeks mo, black talaga siya." saad niya at pinunasan ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

Aria Academy: School For Dark MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon