Chapter Five: Aria

43 40 114
                                    

Eto na yung pambawi ko kasi ilang days walang update. Enjoy reading bebes, dont forget to vote and comment if nagustuhan niyo ang chapter na to. Lovelots

==========

Nagising ako sa marahang pagtapik sakin ni Manang Heira. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at bumangon. Crap! Nakalimutan kong ngayon pala kami aalis para sa bakasyon.

"Weia iha, naghihintay na ang mga magulang mo sa labas. Mag-ayos ka na't aalis na raw kayo. Nasa baba na rin ang gamit mo, bilisan mo iha." Ngumiti siya sakin saka umalis na nang kwarto.

Mabilis akong nag-ayos at nagsuot ng simpleng black jeans, culture shirt at white shoes. Comfortable.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at nang masigurong ayos na ay mabilis akong lumabas ng kwarto ko.

Naabutan ko ang parents ko na masayang nakikipag-usap kay Manang Heira.

"Opo, sure na kami, we're going back to ---"

Hindi na tinapos ni mom ang sasabihin niya ng makita niya ako. Ngumiti nalang siya saka yumakap kay Manang. "Ayaw niyo po ba talagang sumama?"

Umiling lang si Manang kaya tumango nalang si Mom.

"Weia, pasok na sa kotse, and Elle, let's go." Sinunod ko naman ang sinabi ni dad at pumasok na sa kotse. Nasa may backseat ako at si mom sa passenger seat, and dad is on the drivers seat.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan at nagsimula na akong makaramdam ng pagkabagot kaya nilabas ko ang phone ko at sakto naming nakita ko ang isang notification galing sa Aria.

Bago ko pa man mabuksan ang notification ay inagaw sakin ni Mom ang phone. "No phones in the vacation. Hindi mo na kakailanganin yan."

Hinayaan ko nalang si Mom saka pinanood ang tanawin na makikita sa dinaraanan ng kotse.

"Mom san tayo pupunta?" Nanatili parin akong nakatingin sa bintana habang naghihintay ng sagot.

Umalingawngaw ang nakakabinging katahimikan. Segundo. Minuto. Minuto. Minuto. Hanggang sa sumagot sila.

"Hindi tayo magbabakasyon Weia." Si dad ang sumagot.

Napatingin naman ako sa kanila.

"Babalik tayo sa hometown natin. Babalik tayo sa Aria." Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Mom. Taga Aria kami? May koneksyon ba to sa Aria app?

Gusto kong magtanong pero nanatili akong tahimik dahil nakakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ko. Fuck! Ang sakit!

Parang tinutusok ang utak ko sa loob kung meron man. Mariing kong ipinikit ang aking mga mata saka sumandal sa backrest.

Lumingon sakin si Mom. "Masakit ba ang ulo mo? Ilapit mo dito, let me massage it,

Kahit na nahihirapan akong gumalaw ay pinilit kong nilapit ang ulo kay mom. I felt her hand gently massaging my head. At sa hindi maintindihang rason, nawala ang sakit at para akong hinehele para matulog. Kakatulog ko lang, matutulog na ako.

"You'll be fine dear. Matulog ka muna, gigisingin ka naming kapag nakarating na tayo."

Hindi ko na magawang sumagot nang para akong kinokontrol na sumandal sa likod at hinayaan kong lamunin ako ng antok.

Naalimpungatan ako ng maramdaman na medyo mabato ang dinadaanan namin. Tumingin ako sa paligid at nakitang puro puno at masyadong mataas. Napakaisolated ng lugar, isang daan lang rin ang meron.

Minasahe ko ang nananakit kong batok saka humarap kila Mom.

"Ma, asan tayo?" Inaantok kong sabi. Mas madali sabihin ang 'Ma' parang ito na ata ng itatawag ko sa kanila. Nagulat si Mama sa pagtawag ko sa kanya ng Ma. Nakakagulat naman kasi.

Aria Academy: School For Dark MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon