MY ULTIMATE CRUSH - MhireJed

128 1 0
                                    

[[Written & posted: September 13, 2014]]


Naging volcasil ako.

Nakipag-break sa'kin ang boyfriend ko.

Take Note SA HARAP NG MARAMING TAO.

Ang malala ‘yong rason kung bakit n’ya ‘yon ginawa.

Nakita ko ‘yong crush ko.

‘Yon nga lang sa maling pagkakataon at sitwasyon.

Nakakahiya...

Bakit.??

...

Iiyak ako kung kelan ko gusto at ngayon gusto kong umiyak. Gusto ko ring sumigaw. Gusto kong magwala. Kaya sana lang…Sana lang wala akong makasalubong na taong pwede kong pagbuhusan ng labis kong nararamdaman.

Sana lang…

Kaso…

Boom!

Napaupo ako nang mabunggo ako sa animo’y pader na taong kasalubong ko. Masama ang pagkakaupo ko at ‘yong totoo nasaktan talaga ako. At dahil nasaktan ako gaganti ako. Then tumayo ako rejecting the offer ng kung sinumang ponsyo pilatong bumangga sa’kin.

Nakatayo na ako at nakabwelo na rin. Kaya pasensyahan na lang tayo. Sasabog na talaga ako. And when I said sasabog eh talagang parang bombang hindi ko na mapipigilan ang galit at inis na nararamdaman ko. Then…

“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo. Wala ka bang mata. Hari ka ba ng kalsada? Binayaran mo ba ‘to para daanan mo lang? Kung hindi eh bakit ka tatanga-tanga sa daan at walang pasubaling binunggo ako? Huh? Bakit?” sunod-sunod at pasinghal kong tanong.

Ito na nga ba ‘yong sinasabi ko eh, ‘yong tipong kapag galit ako o malungkot o naiinis eh ayokong nakikipag-usap sa kung kanino. Bakit kamo? Kasi nga ibubuhos ko lahat doon ng nararamdaman ko. Katulad na lang ng ginawa ko.

Nakahinga na ako ng maluwag pero bigla na naman akong animo’y naubusan ng hininga nang makita ko kung sino ‘yong kanina lang eh sinigawan ko.

OMG. As in Oh Mother Gina (pangalan ng mama ko).

‘Yong sinigawan ko eh ‘yong ultimate crush ko. Halos magtatatlong taon ko na s’yang crush (ako ng feeling bagets at may pa-crush-crush pang nalalaman).

Haist. Ang daming pwedeng oras, lugar at araw na pwede n’ya kong makasalubong ngayon pa talaga kung kelang bumagsak ako sa quiz kanina sa politics at kung kelang nakipagbreak sa’kin ang halos mag-iisang taon ko ng jowa. Ayoko ng ganito. Talagang ayoko ng ganito.

“Sorry huh. Actually nakatingin ako sa daan. ‘Yong totoo umiwas ako kaso nga lang eh…”

Tumunog ang cell phone ko. That’s it I was just saved by my cell phone. Hindi ko na s’ya pinakinggan sa halip eh sinagot ko ang phone at nagpasyang iwan ‘yon. May attitude din ako eh noh? Kaso ‘yon na lang talaga ang naisip kong escape no’ng mga oras na ‘yon. Buti na lang may dumaan kaagad na jeep sumakay agad ako doon without even looking back. Bahala na si batman kung ano pang isipin sa’kin ng ultimate crush ko.

That was indeed an embarrassing moment. Biruin mo ‘yong kay tagal kong hiniling na mapansin at makausap natupad nga pero sa maling pagkakataon at sitwasyon pa. Kung kanina gusto kong umiyak dahil lang sa brinekan ako ni Jem (ang boyfriend kong bakla pala).

Paano kang hindi iiyak noon eh halos mag-iisang taon na kami tapos kanina ko lang nalamang lalaki din pala ang gusto n’ya at volcasil lang ako (you know what I mean).

ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon