Yong langit at lupa na hindi pwedeng magkadikit.
‘Yong langis at tubig na hindi pwedeng pagsamahin.
I tried so hard for us not to cross our path.
Why?
Because they said it will be very complicated.
Unfortunately, I guess it was fate.
Pero paano nga ba ako makikitungo sa badboy ng campus?
C.J.L.
MhireJed
‘Yong langit at lupa na hindi pwedeng magkadikit. ‘Yong langis at tubig na hindi pwedeng pagsamahin. ‘Yong mga bagay na sa pelikula o drama ko lang napapanood. Hindi ko inakalang nangyayari din pala sa totoong buhay. Oo! As in real life. Akalain mo ‘yon. Hindi ko pa inexpect na sa’kin pa mangyayari ‘yon. As in SA AKIN.!!!
Ako nga pala si Mary Ann Aquino. Simpleng babae lang ako. Hindi sikat at hindi rin head turner at tahimik na tao ngunit mayroon ding simple at kalog na mga kaibigan. Maganda naman ako kaso hindi nga lang ma-appeal. ‘Yong talino ko sapat lang naman para hindi bumagsak sa mga subjects. Kasali din naman ako sa mga school organization tulad ng Arts Club magaling kasi akong magpinta slash magdrawing slash lahat ng may kinalaman sa pagguhit, hehehe. Simple nga lang ako diba. Simple din ang routine ng buhay ko. School – bahay…Bahay – school…Tapos ‘yong ganung paulit-ulit na routine. Boring ba kamo? Pero para sa katulad kong nasanay na sa ganun, eh walang boring doon. Ganun na lang sana kasimple’t tahimik ang buhay ko kaso naging komplikado ng umekstra I mean nong pumasok sa buhay ko ang lalaking naging buhay ko…Ang lalaking naging bad influence sa’kin (sabi ng iba)…at…Ang lalaking minahal ko—si John Louise Jimenez.
Ahead si JL (short for John Louise) sa’kin ng isang taon at kilala s’ya sa school sa negatibong paraan. Basagulero kasi s’ya, mayabang, pasimuno ng gulo sa eskwelahan at ang estudyanteng pumapasok lang masabi lang na pumasok s’ya. Basta kilala s’ya bilang example ng isang estudyanteng hindi dapat tularan ng ibang matitinong estudyante. Ganoon s’yang i-describe ng mga guro at ng mga ka-batch n’ya at maging ng mga kaibigan ko. Gwapo s’ya kung tutuusin at magaling sa mga sports bagay na panghatak n’ya daw sa mga girls. Hindi ko naman talaga s’ya pinapansin kasi nga sabi ng mga kaibigan ko ituring ko daw invisible ang taong ‘yon ‘pag makikita ko. Bakit? Kasi gugulo nga daw ang mundo ko kapag sinubukan kong makipag-usap sa kanya. Sinubukan ko ‘yong gawin. Kahit kailan hindi ko piniling makipag-usap o lumapit man lang sa sinasabi nilang badboy ng campus namin. Kaso ka kung anu namang iwas ko, s’ya namang pasaway ng tadhana na pilit pinagtatagpo ang landas naming dalawa.
Palabas na kami ng Music Hall noon nang bigla na lang akong mabundol ng tumatakbong lalaki. It was a shocking scene. I was thinking babagsak na ako sa floor at mababangasan ang mukha ko but then hindi ko ‘yon naramdaman. Then sigawan na ng mga echuserang ka-schoolmate at mga ka-club ko ang sunod kong narinig. Kaya 'yon ang naging hudyat upang imulat ko na ang nakapikit kong mga mata. And to my surprise mukha ng badboy ng school ang tumambad sa’kin. OMG as in malalaking Oh My G**o. What to do? I don’t exactly know what to do. Knowing that he’s holding me and so close to me, it gave me spines and the chill. Oo! Para akong nakakita o nasa tabi ng aswang/multo/bampira o kung anu pa mang tawag nila sa nakakatakot na nilalang. Then he smiled at me. Boom! Bigla kong naramdaman ‘yong tipong animo tumalon ang puso ko. Hindi sa takot kundi dahil sa… Natigilan ako. Bakit nga ba biglang tumalon ang puso ko sa ngiti n’yang ‘yon? Bigla-bigla nakarinig ako ng music. Ooh, I love you so Just look in my eyes, they’ll tell you Where this could go Yeah Do you know that Ooh, I love you so Look in these eyes, they’ll tell you Where this could…Naputol ‘yong naririnig kong music ng may humila sa’kin mula sa kanya—si Lester (best friend kong over protective).

BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]
RomanceThis is the collection of my One Shot Stories... Feel Free to read , vote and comment... ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, record...