ART OF LETTING GO (C.J.L.) (MhireJed)

29 1 0
                                    

First time akong na-in love...

That was it! I said to myself...

She's the one I want to be with for the rest of my life...

She completes me and everything...

Nabago n'ya ang buhay ko...

Nagbago talaga ako dahil sa kanya...

Mahal na mahal ko na s'ya ng SOBRA.

PERO...

Kailangan ko bang magparaya??

Kailangan ko ba talagang magparaya???

Kailangan ko rin bang bumitaw..??

I saw her and in that instant I am sure of one thing…

She’s definitely the one.

He changed me and she became my all, my life.

She’s definitely one of a kind.

But am I going to hold her hand after what I’ve learned?

Or will I let her go that instant?

Masakit pala ‘yong katotohanang ‘yong taong mahal mo kailanman hindi na mapapasa’yo at kailanman hindi naging sa’yo. Kelan ko lang na-realize ‘yan dahil hindi pa naman talaga ako nagmahal ng sobra at totoo. Pero may mga naging girlfriend na ako at madami na sila. Magbilang ka gamit ang kamay at paa kulang pa. Proud ako doon dahil talaga namang habulin ako ng babae. Myembro ako ng rockband at dahil doon naging mas malakas ang hatak sa mga babae. Wala akong sineryso (sorry po sa mga babaeng nagbabasa d’yan) dahil hindi ko naman talaga alam kung paano magseryoso. Palaging one-sided love relationship lang. ‘Yong mga girls na malimit manood ng gig ng banda namin ang malimit kong makarelasyon at sa totoo lang wala ni isa sa kanila ang tumagal. Bakit? Aba eh dahil nga sa’kin, kz nga hindi ko alam pano sila seryosohin. Magpapatuloy pa sana ang mga walang patutunguhang relasyon kung hindi ko nakilala ang babaeng bumago sa buhay at pananaw ko. Ang babaeng sobrang minahal ng puso ko at ang nag-iisang babaeng nagmulat sa’kin sa tunay na kahulugan ng buhay at pag-ibig—si Abegail Marasigan Gobaton.

            Aminado ako na inabuso ko ang binigay sa’kin ng D’yos na gandang lalaki dahil ginamit ko ‘yon para lang makapanakit ng damdamin ng mga babae. Ang ganda ng boses na mayroon ako ay ginamit ko lang para magpaasa at manlinlang ng mga babaeng nagmahal at umunawa sa’kin. Pinagsisisihan ko ng lahat ‘yon at nangakong hindi na gagawin dahil sa babaeng naging lahat-lahat sa’kin—dahil kay Aby. Malaki talaga ang nagbago sa’kin na napansin ng banda. Ngumingiti na nga lang ako kapag nagiging tampulan ako ng tukso. Tama naman kasi sila na ang isang... Jherrich Hidalgo Constantino ay nakahanap ng katapat sa katauhan ni Aby. Nakilala ko s’ya nong minsang may gig kami pero iba s’ya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Noong unang kita ko kasi sa kanya ramdam ko kung paano huminto ‘yong oras—‘yong tipong parang kaming dalawa lang ang tao sa bar na ‘yon. Basta hindi ko maipaliwanag, Ang tanging alam ko lang eh mula nong makita ko s’ya wala na akong ibang gustong makita kundi s’ya lang.  Nahiya pa nga akong lapitan s’ya na first time kong naramdaman. Si Harry (gitarista ng banda) ang naging daan upang malaman ko ang pangalan n’ya at tuluyan s’yang makilala. First time kong gumamit ng tulay sa pamamagitan ng kaibigan kong ‘yon. Hindi ko rin talaga inakalang mangyayari ‘yon pero let’s face it, nangyari talaga eh. Walang arte n’yang tinanggap ang pagpapakilala ko sa kanya noon. Doon na nagsimula ang love story ng isang dating wapakels na lalaki at ng isang tagapagligtas na babae. Oh! Saan ka pa? Ako ng korni. Hahaha.

ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon