FORBIDDEN LOVE (One Shot) - (KATHNIEL)

271 1 0
                                    

[[Written & posted: June 13, 2014]]

* * * * *

Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang...

Nakakilig talaga ang kantang 'yan. Bagong lipat kasi kami dito sa subdivision at friendly naman ang mga kapitbahay namin. Tapos dun sa school na pinapasukan ko mababait at friendly din ang mga estudyante. Transferee kasi ako kasi nga lumipat na kami dito sa Manila. Madali akong nagkaroon ng mga kaibigan kasi easy to be with naman ako.

Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang...

Ooppss...Narinig ko na naman 'yong kantang 'yon. Kinilig na naman tuloy ako. Dati kapag nakikinig ko 'yong song na 'yon wala lang naman sa'kin pero simula nong lumipat ako dito sa new school na 'to at narinig ang song na 'yon from someone so special talagang kinikilig na ako.

Lord Jean De Castro, 'yan ang mala-anghel kong pangalan na bumagay naman sa mala-anghel kong mukha. Third year high school na 'ko pero isip bata pa rin. Hehehe. Pero nong trumansfer ako dito parang ayaw ko ng maging isip bata. Kasi ayaw ni Terrence Castillo ng isip bata.

Sino si Terrence?

S'ya lang naman 'yong lalaking naabutan kong kumakanta nong ako'y sa'yo at ika'y akin lamang. S'ya 'yong crush ko. Actually base from what I feel s'ya 'yong lalaking love ko. Super chinito s'ya na ang galing kumanta kaso seryoso sa buhay. Hindi s'ya mahilig ngumiti na akala mo may mawawala kapag ngumiti s'ya, but anyways cute pa rin s'ya. Choir member s'ya ng music club at kaya naman sumali din ako sa club na 'yon. Kung hindi n'yo naitatanong pinagpala din naman ako sa boses ko. Sabi ni mama namana ko daw kay papa 'yong talentong 'to.

Speaking of papa hindi ko pa s'ya nakikita kasi wala namang ipinapakita na picture n'ya sa'kin si mama. Balik na tayo kay Terrence. 'Yong lalaking 'yon hindi man lang ako pinapansin. Kung mapansin n'ya man ako eh kapag meeting ng club namin para lang mapagalitan kasi out of tune ako or something na may kinalaman sa club. Ganunpaman, I still admire him. Hindi ko na s'ya pakakawalan. Hahaha. Balang araw mapapansin n'ya rin ako bilang isang magandang dilag. Wahahaha.

Dumaaan ang mga araw at nagtatagal na ko sa school na 'to na animo hindi man lang ako napapansin nang lalaking sobrang crush ko.

Hanggang one time...

P.E. namin...

Nasa field kami for badminton practicum. Samantalang s'ya andun sa sulok at nanonood lang. Hindi kasi s'ya mahilig sa sports hindi katulad ko na kahit larong panlalalaki pinapatos. Ini-assign ako ni maam na referee since alam ko ang mga violation for badminton so gorabels naman ako. Masyadong mainit nong mga panahong 'yon at wala man lang kaming cover kahit ano.

Kalaghatian na ng practicum ng makaramdam ako ng hilo. Naalala ko hindi pa nga pala ako nag-breakfast. Binalewala ko 'yon kahit malimit ang kapit ko sa ulo. Hanggang sa tuluyan ng nangibabaw ang pagdidilim ng paningin ko at nagising na lang ako sa clinic ng school.

"Ano okay ka na ba? May masakit pa ba sa'yo? Huh?" usisa sa'kin ng O.A kong kaibigang si Marianne. Umiling lang ako saka ngumiti sa kanila.

"Salamat sa pagdala sa'kin dito. Babawi ako sa'yo later. Treat kita ng lunch." Saad ko at nagpasya ng bumangon.

"Loka ka. Hindi kami ang nagdala sa'yo dito." sabad naman ni Eloisa ang pinaka-siga kong kaibigan.

"Huh.? Eh Sino?" takang tanong ko dahilan para animo kinikilig na magtinginan ang mga 'yon.

"S'ya. As in Sya." Tugon naman ni Katrina ang pinakamatalino kong kaibigan.

ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon