Bestfriend Forever (Ikaw na Pala)

24 0 0
                                    

[[Written and posted: JUNE 13, 2015]]

* * * * * * * * * *

"Ang pagkakaibigan parang bahay, kailangan ng pundasyon para tumibay."

'Yan ang mayroon kami ni Shermayne Tesorero kaya tumagal ang samahan namin. Ang pundasyon na ata ng pagkakaibigan namin ang pinakamatibay sa lahat dahil nagmula pa 'yon sa kalolo-lolohan namin. 'Yong pagkakaibigan ng mga lolo namin ang naging dahilan kung bakit mayroong ako at mayroong Shermayne.

Ganito kasi 'yon, ang lolo at lola ng mama ko at papa ni Shermayne ay magkaibigan na naipasa sa ka-apo-apuhan nila na umabot sa amin ni Mayne. Kaya ayon naging magbestfriend na rin kami ni Mayne, 'yong tipo ng pagkakaibigang hindi namin ipagpapalit sa kahit anong bagay, tao, sitwasyon o kung ano pa man.

Ako nga pala si JD Herrera Samaniego ang matalik na kaibigan ni Shermayne. Gwapo, matalino, mahilig sa sports katulad na lang ng basketball at chess, mabait na makulit at higit sa lahat masayahing tao. Kontento na ako sa kung anong meron ako dahil na 'yon kay Mayne.

We promised to be the best of friends forever kaya nga pareho ng school mula prep ang pinasukan namin hanggang ngayong college na kami eh nasa parehong University pa rin kami, parehong business management ang kinuha naming kurso. Kung nasaan s'ya nandoon din ako dahil nasanay na kami sa ganung set up.

Kahit may boyfriend na s'ya at may girlfriend na rin ako, we always see to it na may time pa rin kami para sa isa't isa. Wala namang kaso kay Cayla (girlfriend ko) at kay Simon (boyfriend n'ya) kung halos hindi kami mapaghiwalay dahil alam naman nila kung saan kami nagmumula.

Hindi maiiwasang magselos sila pero kami na rin ni Mayne ang gumagawa ng paraan para patunayang wala naman talaga silang dapat na pagselosan. Ang totoo nanghinayang ang pamilya namin ng magpakilala kami ng kani-kanilang girlfriend at boyfriend. Compatible daw kasi kami ni Mayne at bagay na bagay talaga kaso dahil magbestfriend nga kami eh wala na kaming magagawa doon. Bestfriend ko s'ya at bestfriend n'ya ako, hanggang doon lang kami at 'yon ang pinaka-importanteng status para sa amin ni Mayne.

That was Sunday afternoon, while having our bonding moment when I told Mayne about my plan of proposing to Cayla. Nakakatuwa nga dahil mas excited pa s'ya kesa sa akin. She taught me ways of proposing, told me what to say in front of Cayla and what exactly to do in asking the consent of her parents. I chose a date and with her advice it would be a surprise proposal. Kaso nagkataon namang may business conference s'ya kasama ni Simon that day. Kinulit ko s'ya and told her na magtatampo ako 'pag di s'ya umattend. So she promised me na darating sila-darating s'ya.

Nong tinawagan n'ya akong papunta na sila ni Simon that's the time I started my plan on proposing to Cayla. Nakarating na si Cayla at kompleto na ang pamilya pero wala pa rin s'ya. I tried to call her phone but then unattended naman 'yon. I called Simon to check kung saan na sila pero hindi naman sinasagot noon ang phone. So I decided to do the proposal on my own. Masaya ang araw na ito pero mas magiging masaya pa sana kung nandito s'ya dahil pinagtulungan namin ang planong ito.

I was about to start my proposal in front of Mayne's family, Cayla's family, my family and some of our friends when my phone rang. Ayon oh, tumatawag si Simon so I picked it up while looking into Cayla's curious eyes. Pagkagulat ang una kong naramdaman kasunod noon ang worried na feeling at iba pang matinding emosyon.

"Nasa ospital sina Shermayne, tita." halos nanlambot ako ng tingnan ko ang mama ni Shane.

"N-naaksidente sila." Muling pahayag ko na nagdulot ng iba't ibang reaksyon sa mga taong naroroon.

ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon