S’ya ang dahilan ng pagkabuo ng puso ko.
Pero s’ya rin ang dahilan ng palaging pagkadurog nito.
Mahal ko s’ya, SOBRA.
Mahal n’ya ako?
Sana…
Patuloy akong aasa.
C.J.L.
Masasabi bang kabaliwan ang umasa sa isang bagay na walang kasiguruhan? ‘Yon bang kahit nasasaktan ka na pilit ka pa ring naniniwala na sa huli mayroong kayong dalawa? ‘Yon bang isinigaw na sa tenga mo, ipinamukha na sa’yo, dineretsa ka ng wala ng pag-asa, sige ka pa rin at ‘yon bang nagmumukha ka ng t***a eh ayos lang sa’yo. Akalain mo ‘yon mag-aanim na taon na pala akong ganyan. Mag-aanim na taong wasak na wasak ang puso at tuliro ang utak dahil sa isang babaeng noong una ko pa lang masilayan ay tinibok na nitong aking puso. ‘Yong babaeng makailang beses na akong ipinagtabuyan, sinaktan, binigo at pinaglaruan eh labis ko pa ring minamahal. ‘Yong babaeng buong high school life eh naging inspirasyon ko kahit pa iba naman talaga ang itinitibok ng kanyang puso. Sabi nila ang t***a ko daw dahil harap-harapan na akong tinaggihan at diretsahan ng sinasaktan eh asa pa rin ako. Eh ano nga bang magagawa ko kung itong lekat kong puso walang ibang ginusto kundi s’ya at s’ya lang. Nga pala Justine James Go Marquez ang pangalan ko. Pinakamakulit, pinakamaingay, pinakapasaway, pinakamaloko at mapagbiro sa klase nong high school pa kami. Ako na ang pinaka sa lahat. Kasama na ‘yong pinakamatalino sa’ming klase dahil mula elementary hanggang high school graduate akong valedictorian. ‘Yon ka nga lang sabi ng mga malalapit kong kaibigan pati daw pinaka-t***a pagdating sa larangan ng pag-ibig eh kinarir ko na. Scholar naman ako ngayon ng isang sikat na Unibersidad (parehong Unibersidad na pinapasukan ng babaeng labis ko pa ring minamahal—ni Jennalyn Constantino). Ooppss…Maniwala kayo hindi ko s’ya sinundan nagkataon lang na ito ‘yong Unibersidad na pinangarap n’yang pasukan eh s’yang nag-offer ng scholarship sa’kin na s’yempre hindi ko na tinanggihan.
May boyfriend na s’ya at gwapo (pero sabi nila lamang lang ng ilang paligo sa’kin), sikat (ako din man kaso sa academic nga lang), may kaya (dun lang, hindi mayaman ang pinagmulan kong pamilya), varsity player (isa pa ‘to kaya hindi siguro ako nagustuhan ni Jen kasi lalampa-lampa ako kaya mas pinili n’ya ang mokong na ‘yon). Sabi n’ya nga minsan sa akin lahat daw halos ng magagandang katangian ng isang leading man na pinapangarap ng isang leading lady ay nasa boy friend na n’ya kaya ‘wag ko na daw ipilit pa dahil wala na nga daw pag-asa. ‘Yong totoo sampal na naman ‘yon kaso ka binalewala ko ‘yon kasi nga itong puso ko turuan ko mang tumingin sa iba lagi na lang bumabalik sa kanya.
“Ilang linggo ng hindi pumapasok si Jen ah. Alam mo ba kung bakit?”tanong sakin ni Ariz (best friend ko) habang nasa loob kami ng library. “Balita ko break na daw sila. Broken na broken ang dream girl mo budz.” dagdag pa nito.
Hindi ako umimik. Last week lang sabi ko iibahin ko ang style ko. Kung hindi ko magawang mapansin ako ni Jen sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya kung gaano ko s’ya kamahal. Eh susubukan kong maging cold sa kanya at baka doon pa hanap-hanapin n’ya ako.
“Wala ka bang gagawin? Sabi ko broken si Jennalyn.” muling pahayag ni Ariz ngunit mas pinili kong umastang animo’y walang nakinig. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat. “Hala!” bulalas pa nito dahilan para sitsitan kami nong librarian. Inilapat noon ang palad sa noo ko. “Wala ka namang lagnat. Pero bakit parang balewala sa’yo na si Jennalyn na dream girl mo, na lahat-lahat sa’yo, na s’yang buhay mo, na broken ngayon, na pinagpapakatangahan—” putol na sambit ni Ariz ng sumabad ako.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]
RomanceThis is the collection of my One Shot Stories... Feel Free to read , vote and comment... ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, record...