I love him so much and he does the same.
I don’t believe in long distance relationship until I started to after having him.
I took a risk and allow him.
But will our love be stronger than temptation?
Is it worth giving him another chance?
Want to know the answer then read it just once.
C.J.L.
MhireJed
“Apat na taon lang ako doon. Walang magbabago sa’tin. Maniwala ka lang sa akin. Pagkatapos noon babalik ako para sa’yo, para sa kasal natin.” Pabalik-balik sa isip ko ang binitiwang pahayag na ‘yon ni Archie. Sa tuwing maaalala ko ‘yon pakiramdam ko lalong bumabagal ang panahon. Pero noon ‘yon dahil ngayon nakasanayan ko na rin. Ikaw ba naman ang hindi masasanay sa halos araw-araw na ginawa ng D’yos eh ‘yon na lang ang animo’y recorded sa utak ko na paulit-ulit kong naririnig.
Simpleng babae lang ako na walang ibang hiniling kundi ang maging masaya. Hindi sikat ngunit malakas ang confident at unti-unti ng nakikilala sa larangan ng pagpinta. Ang mga mata ko ang sinasabi ng marami na best asset ko, morena, hindi katangkaran at may laban din pagdating sa kagandahan. Ako si Cherry Ann Astoveza, ang babaeng umibig kay Archie Valenciano—isang engineer at mula sa isang hindi buong pamilya (broken family kumbaga). Gayunpaman, hindi s’ya katulad ng iba na galing sa broken family na galit sa kung sinumang nang-iwan bagkus kasundo n’yang pareho ang magulang n’ya. Tatlong taon din kaming magkasintahan bago s’ya nagpasyang mag-prospose na hindi ko naman tinanggihan. Kasunod noon nagpaalam na s’yang magtatrabaho sa Korea. Hindi ko ‘yon inasahan kaya naman hindi ko s’ya pinayagan. Hindi s’ya tumigil sa pagpapaliwanag kung bakit n’ya tinanggap ang trabahong ‘yon at kung bakit kailangan kong pumayag.
“Apat na taon lang ako doon. Walang magbabago sa’tin. Maniwala ka lang sa akin. Pagkatapos noon babalik ako para sa’yo, para sa kasal natin.” aniya habang tahimik lang akong nakasandal sa kotse katabi n’ya. “Che, Bhe, ayaw mo ba talaga?” muling sambit n’ya. Nong mga panahon ‘yon pinagmasdan ko s’ya ngunit di ko lang talaga masabing gusto ko din. Hindi kasi ako naniniwala sa long distance relationship. Halos ‘yong mga kakilalala kong nagkaroon ng LDR, failed lahat sila. Mahal ko si Archie at ayokong magaya kami sa mga kakilala kong nag-fail ang relationship. Pero gusto ko syempre na maging masaya s’ya at ‘yon ay kung papayagan ko s’ya. Paano ba ko papayag noon kung nagtatalo ang isip at puso ko? Pero dahil mahal ko s’ya…
“Four years, Arch! After four years, bumalik ka. Dahil hihintayin kita. Maghihintay ako sa pagbabalik mo.” ‘yon na lang ang nasambit ko bago ko s’ya tuluyang yakapin kasabay ng pagtulo ng luha.
Nagdisisyon ako gamit pareho ang puso at isip. Long Distance Relationship, hindi naman siguro magpi-fail kung kami ang characters. Paano ku nga malalaman kung di ko susubukan? Paano ko sasabihing hindi lahat ng LDR nagpi-fail kung di ko mapapatunayan? Kaya nga kahit balot ng pangamba at lungkot ang puso ko ay pumayag ako.
Long distance relationship—naranasan ko at aaminin kong nahirapan ako. Nakakausap ko s’ya via internet pero hindi ‘yon madalas dahil sa time difference ng Korea at Pilipinas. Dahil na rin sa trabaho ko at ganun din ang sa kanya. Aaminin ko rin na nagduda ako pwedeng mangyari sa relasyon naming. At halos muntikanan ko na rin s’yang bitawan dahil sa maraminng dahilan.malayo s’ya at hindi katulad dati palaging rush kung makausap kami. Hanggang sa dumating ‘yong point na sinubok ang katatagan namin, ang lakas ng samahan naming at ang tiwala naming sa isa’t isa.
“I’m sorry, Bhe I’m sorry.”ani Archi habang magka-chat kami. Bakas ang sobrang pagod sa mukha n’ya.
“Arch? Bakit ba?” nag-aalalang tanong ko na hinaluan pa ng kaba at pagtataka.
“Hindi ko sinadya pero pinutol ko naman na, bhe. Walang nagyari pero sorry.” Hinging paumamhin n’ya.
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi n’yang ‘yon. ‘Yong girls instinct ko nagkatotoo pero wala akong masabi, nanuyo ang lalamunan ko at nanghina ako. Ma mga sinasabi pa s’ya noon ngunit hindi ko na maintindihan dahil ‘yong huling pahayag n’ya ang tanging pabalik-balik na naririnig ko. Magdadalawang taon pa lang s’ya doon pero natukso na s’ya. Tatlong buwan s’yang naglihim na nagkaroon s’ya ng affair. Hindi ko matanggap ‘yon at lalong hindi ko matanggap na magagawa n’ya ‘yon. Nilukon’ya ako ngunit mahal ko s’ya kahit pakiramdam ko guto ko na s’yang sakalin, sumbatan at saktan ngunit bulong na isa kong pagkatao ay ‘wag.
“Mam, may naghahanap posa inyo sa labas. Important po ata.” Saad sa’kin ng aking secretary na nagpahinto sa pagpaint ko. Oo! Sa loob ng opisina, kahit manager na ako nagpi-paint pa rin ako kapag walang masyadong ginagawa. Lumabas akong opisina at laking gulat ko ng makita ko si Archie kasama ang pamilya ko at pamilya n’ya. Halos napatda ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang animo’y pagod n’yang anyo at pagkatao.
“Straight from Korea pinili kong bumalik para lang makausap ka. Para humingi ng tawad. Patawaring mo lang ako kahit hilingin mong ‘wag na akong bumalik pa doon gagawin ko. Bhe, I’m begging and asking for another chance. Please forgive me.”
Seeing him beg and kneel in front of my family, his family, my employees and me…Nakaramdam ako ng kurot sa puso. Lalo na ng makita ko sa mga mata n’ya ang sinseridad, ang labis na pagsisisi at ang lahat-lahat. Ang animo’y mga batong nakabalot sa puso ko ay dahan-dahang natunaw kasabay ng pagpatak ng luha ko. Doon pa lang may napili na ako.
”Bridge of contract kapag hindi ka bumalik doon.” paunang pahayag ko. “Arch, okay na. Mata mo pa lang kitang-kita ko na ang laman ng puso mo.” dagdag kong pahayag kasunod ng masuyong yakap.
He asked for another chance and giving it to him, alam kong hindi kawalan ‘yon. ‘Yong chance na ‘yon ang nagpatunay na mahal na mahal na mahal n’ya ako higit sa anuman at kaninuman. Hindi n’ya sinayang ‘yon katulad ng inasahan ko hanggang sa matapos n’ya ang kontrata sa Korea. Hindi n’ya ako binigo sa pagbibigay ko sa kanya ng one in a million chance sabi n’ya nga. Hanggang sa ikinasal kami hindi n’ya sinubukang basagin ang tiwalang unti-unti kong ibinalik. Hay! Apat na taon na kaming kasal ngunit pakiramdam ko parang kahapon lang ‘yon. Parang kahapon lang dahil sa pagmamahal na aming pinagsasaluhan. Marami akong naranasan, natutunan at napatunayan. At higit sa lahat mas marami pa akong mararanasan, matututunan at mapapatunayan kasama si Archie. Isa sa mga napatunayan ko sa tulong n’ya ay hindi lahat ng LDR nagpi-fail. Depende ‘yon sa inyong dalawa. Nakadepende ‘yon sa gusto n’yong mangyari sa takbo ng relasyon n’yo. At kung magfail man ‘yon depende ‘yon kung paano n’yo susubukang maipasok sa eksena ‘yong tinatawag na ANOTHER CHANCE FOR LOVE.
Thank you for reading.
Vote!
Comment!
Share!
C.J.L.
MhireJed
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]
RomanceThis is the collection of my One Shot Stories... Feel Free to read , vote and comment... ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, record...
![ONE SHOTS STORIES COLLECTION [Under Construction]](https://img.wattpad.com/cover/14878955-64-k312013.jpg)